Kabanata 4

5 1 0
                                    

Crush

Nakaupo ako ngayon sa isang upuan malapit sa stage. Si Seb naman nandoon sa gitna ng court kasama ang iba pang players. Mainit pero hindi ko naman gaanong maramdaman dahil sa bubong. Sosyal nga nitong court na ito may bubong, ako nga naglalaro lang sa may bakanteng lote dati kasama si Kuya.

"Brittney, can you  hand me the water, please?" Sabay turo ni Seb sa tubig na nasa tabi ko. Hindi ko man lang napansin ang paglapit niya.

"Sure!" Sagot ko naman sabay abot sa bote.

"Brittney, you okay?" Concern na tanong niya.

Napansin ko na naman ang pagtawag niya sa akin ng Brittney. Lagi na lang.

"Yeah. Why?" Sabi ko.

"Wala lang. Ang tahimik mo kasi. Mainit ba masyado?"

"Hindi naman. Iniisip ko lang kung bakit ang tawag mo sa akin ay Brittney tapos silang lahat naman ay Cate." Paliwanag ko.

"Why? Ayaw mo? O may ibang tao kang gustong tumawag sayo ng Brittney." Sabi niya ng may malungkot na mata.

"Hindi naman. Hindi lang ako sanay." Sabi ko nang nakangiti.

Pagkatapos noon ay tinawag na siya ng iba pang mga players. Mag-uumpisa na siguro. Magaling siyang mag-laro. Halos lahat ng tira niya ay walang mintis. Napapasigaw pa nga ako kapag nakaka-shoot siya o kaya naman kapag may kalaban siya sa harap. Pero hindi yun ang dahilan para tumigil siya kaya sa huli sila pa rin ang nanalo.

Pagkatapos ng laro ay agad din kaming umuwi kasi medyo magdidilim na. Sakto namang pagpasok namin sa gate ay ang paglabas ng pinto nina Lola.

"Oh, nandito na pala sila. Kumusta ang laro mo, Seb? Nanalo ba?" Tanong ni Nanay Anding kay Seb. Kitang kita ko naman ang pagbaba ng tingin niya sa kamay ni Seb na nakahawak sa braso ko.

Inaalalayan niya lang naman ako sa pag-akyat ng hagdan. Kita ko din ang biglang pagsingkit ng mga mata ni Lola pagkatapos ay bumaling siya kay Nanay Anding na nakatingin din sa kanya. Sabay pa silang humagikgik. Parang mga sira lang.

"A-ah, Seb yung braso ko." Sabi ko naman kaya binatawan niya. Nakarating na kasi kami sa taas pero nakahawak pa rin siya.

"Malambot ba ang balat, apo?" Si  Nanay Anding. Piling ko tuloy sobrang pula na nang mukha dahil sa sinabi niya.

"Lola! Stop it, okay. Akyat na po ako." Sabi niya kay Nanay Anding pagkatapos ay humarap naman siya sa akin.

"Bye, Brittney. Thanks for watching my game." Paalam niya kaya tumango ako.

"Welcome, Seb." Sabi ko. Nagdadalawang isip pa nga ako kung tatawagin ko ba siyang kuya o hindi.

"Yun oh! First name terms." Sabay na singit ni Lola at Nanay.

"Whatever." Sabi na lang ni Seb atsaka nagmartsa na papasok.

"Halika na, Cate. Uwi na tayo baka dumating na ang Mommy at Daddy mo." Yaya ni Lola kaya tumango ako at lumapit sa kanya.

Nagpaalam lang kami kay Nanay Anding pagkatapos ay umalis na rin. Habang palabas kami ng kanto ay napansin ko si Kim at Kenneth na nakatayo malapit sa isang hardware. Mayroon pa silang isang kasama pero nakatalikod. Binaba ko ang salamin sa tabi ko at balak sanang tawagin sila pero umatras ang dila ko nang biglang humarap yung kasama nila.

"Kuya?! Kuya!" Sigaw ko kaya napatingin din si Kim at Kenneth. Tama si Kuya nga iyon. Kita ko ang pagkagulat niya pati na ng dalawa.

Si Lola naman ay agad akong tinanong kung bakit pero hindi ko siya pinansin. Bababa na sana ako kaso biglang umandar ang kotse.

City Of  Love:San Fernando (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon