"People care more about themselves than they care about you. So inevitably don't care what other people think of you. You are not put on this planet to please all. It's OK to fail, it's OK to be different, it's OK to do what you feel is right for you!"
---anonymous***
Malamig ang gabing iyon.
Naglalakad si Ban sa kahabaan ng Sampaguita Street kasama si Yumi.
Si Ban ay isang binata na may malaking pangangatawan ngunit dahil sa suot na salamin ay nagmumukhang nerd. Idagdag mo pa ang makapal niyang buhok.Si Yumi naman ay isang magandang dalaga na maputi at may mahaba at kumikintab na buhok.
Tatlong buwan nang idine-date ni Ban ang magandang si Yumi kaya naisip niya na ayos lang kung hahawakan na niya ang kamay nito.
Dahan dahan niyang kinuha ang kamay ng dalaga.
Napangiti siya nang tuluyan na niya iyong maisakatuparan.
Sa wakas nakapag-holding hands na rin kami, naisip ni Ban.
Dito niya napatunayan na napakalambot pala ng kamay ni Yumi. Halata na madalas itong gumamit ng lotion.
Subalit biglang natigilan si Ban nang mapansing nakatingin sa kanya ang dalaga. Agad niyang binitiwan ang kamay nito."P-Pasensiya na," sabi ni Ban.
Sobra siyang napahiya sa ginawa niyang paghawak sa kamay nito kaya napatungo na lamang siya."Ayos lang," sagot ni Yumi.
Biglang napahinto sa paglalakad si Ban nang marinig ang sinabing iyon ng dalaga.
Huminto rin sa paglalakad si Yumi.
Dito na nakita ni Ban ang namumulang pisngi ng dalaga.
"Yumi?" banggit ni Ban sa pangalan nito.
Ngumiti si Yumi bago inabot ang kanyang kamay.
Nanlaki ang mga mata ni Ban.
G-Gusto niya bang maghawak kami ng kamay? hula niya.
At tama siya.
Matagal nang hinihintay ni Yumi na mag-holding hands sila.
Sa katunayan, higit pa roon ang inaasahan ng dalaga.Biglang kumabog ang dibdib ng dalawa.
Kasunod niyon ang tila ba pagkawala ng mga bahay at sasakyan sa kalye kung saan sila nakatayo.
Sa mga oras na iyon ay wala na silang ibang nakikita kundi ang isa't-isa.
Wala na rin silang ibang naririnig kundi ang pintig ng kanilang mga puso.
Kasabay niyon ang tila ba mga bulaklak na umusbong sa kanilang paligid.
Hanggang sa unti-unti nang naglalapit ang kanilang mga labi.
Subalit...
KABOOM!
Isang malakas na pagsabog ang kanilang narinig.
"Ano 'yon?" tanong ni Yumi.
Sabay sila ni Ban na napatingin sa pinangyarihan ng pagsabog.
Doon iyon sa isang malapit na pabrika.
"Mukhang kagagawan na naman ito ng Tulip Gang!" naninigkit ang mga matang sabi ni Ban.
"Tulip Gang?" ulit ni Yumi.
"Oo! Grupo sila ng mga magnanakaw! Pagbabayarin ko sila!" galit na sabi ni Ban. Sobra ang inis na nadama niya, hindi lang dahil sa pagpapasabog na ginawa ng Tulip Gang kundi dahil sa pagkakaudlot ng kanila sanang most awaiting and romantic kiss ni Yumi. "Dito ka lang Yumi," sabi ni Ban. "Sa mga ganitong pagkakataon, isa lang ang dapat tawagin."
