*A/N: Hindi ko pa ito na-edit kaya Japanese pa ang kanta.
“Next week sa ‘SINGING IDOL’ isang buwang mag g-guest si John Oriel bilang judge. Kapag sumali ka sa contest malaki ang possibility na makita mo siya!” sabi ni Johnny. Mukhang pinag-isipan niya talaga ang planong ito.
Hindi halata sa itsura, pero talagang mas matalino si Johnny sa akin.
Gayunpaman, nag-alangan pa rin ako. “Johnny, kaya ko bang sumali r'on?”
“Yumi, maganda ang boses mo. Basta 'wag ka lang kakabahan!” sabi ni Johnny.
Sa lahat talaga ng tao, siya lang ang bilib sa akin. Kahit saang bagay lagi siyang nakasuporta.
Actually, madalas ko siyang batukan… pero in reality, taas noo ako sa kanya.
Si Johnny talaga ang the best na bestfriend sa buong mundo para sa akin.The day na sinabi sa akin ni Johnny ang pagsali sa contest, nagdesisiyon na ako na sasali at paghuhusayan ko.
Sa first screening: I passed
Sa second screening: Pumasa ulit ako.
Sa first audition: Pasado ulit.
Halos mag pa-party kami ni Johnny nang mapabilang ako sa 100 participants na ipapakita sa TV.
Araw gabi akong nagpractice bago ang event na iyon.
Sa buong proseso, si Johnny ang nakasama ko.
***
Hindi mawala ang kaba sa dibdib ko habang naghihintay. Natatakot akong magpatuloy.
“Itutuloy ko pa ba ito?” tanong ko sa sarili ko.
“Next… contestant no. 99!”
Napabalikwas ako, numero ko na pala ang susunod.
Doki Doki Doki Doki!
Bumilis ang tibok ng puso ko.
Sobra ang kaba ko.
Halos atakihin ako sa puso nang makatungtong na’ko sa stage. Ito ang kauna unahang pagkakataon na tumayo ako sa harap ng maraming tao.
“Okey Miss, what’s your name?” tanong ng isa sa mga judges. Isa siyang magandang babae na nasa mid 30’s ang edad. Maputi at parang bagong re bond ang buhok niya.
Narinig ko naman ang tanong niya, ang problema nagyelo na ko. Hindi ko maibuka ang aking bibig.
“Anong pangalan mo?” ulit nung judge.
Gusto ko nang sumagot, pero wala talaga. Blockout na ko… hindi na ko makapag salita.
“Kinakabahan ka ba?” tanong naman nung isa pa sa mga judge.
Tatlo ang judge ng contest, una ay yung nagtanong ng pangalan ko. Pangalawa ay yung lalaki na sumunod na nagtanong. Nung tingnan ko siya, napansin ko kung gaano siya kaguwapo. Napakurap muna ako bago ko narealize na siya at wala nang iba ang pinapangarap kong artista--ang lalaki sa likod ng paborito kong super hero.
“Mechaman!” bigla kong nasabi.
Nagtawanan tuloy ang mga tao.
“Ay oo, siya si Mechaman,” sabi naman nung pinaka huling judge na isang bading. May shades siya sa ulo at may nakabalot ding gawa sa balahibo ng hayop na scarf. “O ano miss, kakanta ka na ba?” parang naiinis niyang tanong.
Ngumiti ako “Opo, kakanta na ko!” sagot ko.
Nang makita ko si Mechaman, para bang gumaan ang pakiramdam ko. Nagkaron ako ng lakas ng loob na ipakaita ang talent ko.
