Pumukaw sa atensyon ko ang malaking billboard tungkol sa paligsahan sa pagluluto.
DOKI DOKI DOKI DOKI
Napahawak ako sa aking dibdib.
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Ang totoo, namana ko kay papa ang hilig sa pagluluto. Hindi ko ito inaamin sa iba pero... gusto ko talagang maging mahusay na chef.
Hindi na ko nag-isip, hindi na ko nagtanong... basta kusa na lang humakbang ang mga paa ko... papunta sa site ng contest.
Mag-o-audition ako.
"Congratulation, you're in!"
Halos lumukso ako sa tuwa. Hindi ko mapaniwalaan na magugustuhan ng mga judge yung simpleng sushi na ginawa ko, pero balewala na yon... ang mahalaga nakapasok ako sa contest.
Pagkauwing pagkauwi ko sa tinutuluyan kong apartment, na tempt akong tawagan si Papa.
"Papa... nakapasok po ako sa cooking contest!"
Dati ko pa ito gustong sabihin, na gusto kong sundan ang yapak ni papa bilang mahusay na chef. Ang problema... hanggang ngayon, hindi ko pa rin magawa...
"Wow... ang galing mo naman anak... Proud ako sayo... good luck ha... teka, alam na ba ng mama mo ang tungkol dito?"
Natahimik ako... hindi ko alam kung paano sasagutin si Papa. "Ah... tatawagan ko po siya mamaya."
"Mabuti pang tawagan mo na siya ngayon..."
"S-Sige po..."
Number naman ni Mama ang idi nial ko.
Actually nagdadalawang isip ako. Nahuhulaan ko na kasi ang magiging reksyon niya.
"Mama... sumali po ako sa cooking contest."
Hindi ko pa man naipapaliwanag kung bakit ko gustong sumali ay pinagbawalan na agad ako ni mama.
"Ano bang pumasok sa isip mo at sumali ka sa contest na yan... hoy Yu... you're there to study, hindi yung sumali sa kung anu-anong contest!"
"Pero mama, gusto ko po talaga ang pagluluto..."
"No!" Madiin na pagtanggi ni Mama. "Kapag itinuloy mo ang pagsali sa walang kwentang contest na yan, pasensyahan tayo pero pauuwiin kita dito!"
Halos manghina ako nang marinig ko iyon...
Bakit ayaw akong suportahan ni mama?
Yung hilig ko dati, naiintindihan ko kung bakit tutol siya don, pero... yung sa pagluluto... bakit pinagbabawalan niya ko? Dahil ba pinapaalala nito si papa?
Gusto ko naman ang Literature course ko, pero... gusto ko rin ang pagluluto...
Ano bang gagawin ko?
Susundin ko ba si mama o pipiliin ko ang gusto kong gawin?
"Si Johnny!"
Naiisip kong hingin ang opinyon niya.
Idi-nial ko na ang number niya. Ip-press ko na sana ang send nang matigilan ako.
Bigla ko kasing naalala ang masayang mukha niya kasama ang kanyang girlfriend.
"May sarili na ngayong mundo ang kaibigan ko...
Baka maabala lang siya kung magtatanong pa ako...
Isa pa... mas okey siguro na... ako ang magdesisyon para sa sarili ko..."
Buong gabi ako nag-isip...
![](https://img.wattpad.com/cover/579093-288-k523349.jpg)