Chapter 6

199 6 0
                                        

"Hello, ikaw si Yumi diba, napanood kita sa TV."

Ngumiti ako, hindi ko lubos akalain na may makakakilala sa akin.

"Ako nga pala si Kirari, classmate mo ko sa Arts," pakilala niya sabay abot ng kamay.

Nakipagkamay naman ako.

"Pamangkin ako ng isang TV director and kanina in-invite niya kong manood ng taping nila, cooking show yon, gusto mong sumama?"

"Cooking show?"

"Si Miss An ang host don, yung host sa sinalihan mong contest."

"Ah oo naalala ko siya"

"Sige na samahan mo na ko, ayoko kasing pumunta ng mag-isa don, sigurado naman ako na ma e-enjoy mo yon."

Ngumiti ako "Kailan ba yon?" tanong ko.

"Bukas ng umaga!"

"Bukas na?"

"Oo, okey lang?"

"Ah eh... o sige..."

"Naku, tnx Yumi!" tuwang tuwang sabi ni Kirari, sabay yakap sa akin.

Since ngayon lang may nag aya sa akin bukod kay Johnny, pumayag na rin ako...

Pag-uwi ko sa bahay ibinagsak ko agad sa kama ang katawan ko.

Dalawang Linggo na rin ang nakakalipas mula nang matalo ako sa cooking contest. Totoong naging mabigat ang loob ko pero gumaan din matapos akong aluin ng mga magulang ko. Actually pag-uwi ko sa bahay nakita ko ang mesa na puno ng pagkain. Nagprepare si papa.

Nang gabing iyon, nagsalo salo kami. Ang saya ko dahil sa sandaling panahon nakumpleto kami.

Nung icheck ko rin ang fanpage nung cooking contest may isang comment akong nakita na nagsasabing AYOS LANG YAN YUMI! Napangiti ako lalo pa nang makita ko na Johnny ang name ng nag comment.

Sino pa nga bang magpapalakas ng loob ko kundi ang best friend ko.

Maya maya pa ay may nag deliver ng bulaklak, padala ng family niya.

Kahit nabigo ako, marami pa rin tao na nagpakita ng tiwala sa akin. Naging sapat yon para ipagpatuloy ko ang laban ng buhay.

Kinabukasan nagpunta na kami ni Kirari sa studio.

Ito yung format ng show: Araw araw iba ibang non-showbiz personality ang mag gu-guess para magluto ng kanilang special tee.

"Sino bang guess ngayon?" tanong ko.

Napanguso si Kirari "Sa narinig ko isa siyang university student, pecking duck daw ang iluluto niya"

"Pecking duck?"

"Oo, teka diba yun yung niluto mo sa contest?"

Tumango ako "Special tee rin kasi yon ng papa ko. Mabils lang lutuin yon, may katagalan lang."

Kanina pa dapat mag start ang taping pero delay na dahil wala pa yung guess,

"Nasan na ba siya?" inis na tanong nung baklang director.

Pati yung ibang staff medyo nag wo-worry na dahil late na sila.

"Direk may nangyari pong aksidente hindi po makakarating yung scheduled guest natin."

"Ano, e pano yan sinong ipapalit natin, humanap na kayo bilis!"

"Opo, hahanap na kami..." Nataranta na ang mga staff.

Napapamura na yung director sa sobrang inis at pagka delay nila.

"Ah, uncle may probema ba?" tanong ni Kirari.

Chasing My IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon