Tinanong ko kung saang hospital naka-confine si Johnny.
Pumunta agad ako roon.
Pagdating sa hospital, nakita ko sina Tita Sofia at Tito Henry na parehong umiiyak.
Sinubukan ko silang kausapin pero hindi sila maawat sa pag-iyak.
Mabuti na na lang nandoon ang magandang ate ni Johnny na si ate Lily.
Siya ang tinanong ko.
“Kumusta na po si Johnny?”
Ngumiti si ate Lily. “Wag kang mag-alala, minor injuries lang naman ang natamo niya.”
“Mabuti naman…”Nakahinga ako nang maluwag. Nagtaka lang ako kung bakit sobra kung makaatungal sina tito at tita, aakalain mo talaga na namatayan sila ng anak.
“Tumakas kasi yung nakabangga kay Johnny, kaya walang magbabayad ng hospital bill kundi kami…Actually money less kami ngayon, kaya namumrublema yang mag asawang yan,” linaw ni ate.
“Saan tayo kukuha ng pambayad?” iyak ni tita.
“Hindi ko alam,” iyak naman ni tito.
“Hay…” napabuntong hininga na lang si ate Lily.
Napaisip ako.
May magagawa ba ako para makatulong?
Actually may pera ako, pero pambili ko ito ng concert ticket.Anong gagawin ko ngayon?
Ibibigay ko ba ang pera?
Sinong pipiliin ko?
Sino ba ang mas mahalaga, si Johnny o si John Oriel?
Ang best friend ko ba o ang aking super idol?
Hay...
Maaatim ko ba na hindi tulungan ang best friend ko?
May mga susunod pa namang concert ang Tornado kaya okey lang kung sa ngayon, si Johnny muna ang unahin ko.
Sorry mister Mechaman…
Hayaan mo, next time ikaw naman ang uunahin ko.
“Yumi, pasensiya kana…” sabi ni Johnny pagkatapos niyang makarecover.
Sa ngayon ay nasa waiting shed kami ng school.“Dahil sa akin di ka nakapanood ng concert,” sabi niya. Halata sa mga amta niya ang lungkot. Sa tingin ko sobra niyang sinisisi ang sarili niya na hindi ako nakapanood ng concert.
“Ikaw naman, o!” sabi ko sabay siko sa kanya. “Wag ka nang mag-emote diyan. Ayos lang naman iyon. Samahan mo na lang akong manood ng recorded video nila. Ayos ba yon?”
Ngumiti si Johnny.
Siyempre payag siya.***
May bagong show ang tornado.
Isang variety show na kasisimula pa lang eh mataas na agad ang rating.Syempre naman.
At enjoy talaga akong panoorin ito tuwing Sabado ng gabi.
Dahil din sa show na ito, nakaisip ako ng paraan para makita na in person ang aking John Oriel.
“Manonood ka ng variety show nila?” tanong ni Johnny matapos kong sabihin na gusto kong maging live audience sa Variety show ng Tornado. Narito kami ngayon sa bahay nila.
“Magandang ideya yan, pero…paano mo gagawin? May kakilala ka ba sa media?” tanong ni Johnny.
Ngumiti ako sabay pakita ng dalawang ticket.
“Actually Johnny, nanalo ako ng free tickets para maging live audience!”
Abot tainga ang ngiti ko. Hindi ko kasi lubos akalain na isa ako sa papalaring magkaroon ng ticket. Nag-ubos talaga ako ng load sa texting promo ng Variety Show nila para lang magka-chance maging live audience… at eto na nga, sa wakas hawak ko na ang katuparan sa aking pangarap…
Makikita ko na rin si John Oriel, sa wakas!
“Pero may problema, hindi ko alam ang pagpunta ng studio,” daing ko kay Johnny.
“Kailan ba iyan, baka puwede kitang samahan?” mungkahi ni Johnny.
Well, hinihintay ko talagang sabihin niya yon… “Bukas na!” sagot ko.
Biglang namilog ang mga mata ni Johnny.
“Bukas? Hindi ako puwede bukas. May review kami para sa Quiz Bee tapos sA hapon sasamahan ko si tatay sa pagde-deliver.”
May convenience store sina Johnny, may delivery service din sila.
“Ibig mo bang sabihin, hahayaan mo kong mag-isa?” nagtatampo kong tanong.
Si Johnny lang naman kasi ang napapakiusapan ko.
“Ganito na lang…kung gusto mo sasabihan ko si ate… wala siyang pupuntahan bukas, kaya sigurado masasamahan ka niya,” suhesyon ni Johnny.
"OK..."
“Ate Lily!”Pinuntahan agad ni Johnny si Ate Lily sa kuwarto nito pero pinagsarahan siya ng pinto. Obviously hindi ito payag na samahan ako.
“Mukhang may date siya bukas...” sabi ni Johnny.
Ngumiti ako. “Ayos lang. Ako na ang bahala…” sabi ko.
“Sigurado ka? Kaya mo bang bumiyahe nang mag-isa?” tanong ni Johnny.
May kalayuan din sa lugar namin ang TV Station kung saan ginaganap ang Variety Show, pero may mapa naman kaya for sure hindi ako maliligaw.
“Malaki na ko ngayon Johnny, kaya sa tingin ko kakayanin ko nang pumunta ng Manila ng mag-isa!” proud kong sabi.
Talagang para kay Johh Oriel, handa kong gawin ang lahat. Kahit medyo kabado, pumunta pa rin ako TV statiion nang mag-isa.
Ayon kay Johnny, sumakay lang ako ng bus pa Cubao, baba sa Magalllanes at sumakay na lang ng MRT para makatipid. Huwag daw akong mag ta-taxi dahil masyadong mahal.
Tinawagan ko si Johnny.
“Oh, Yumi! Ano, okey na ba… naglululundag ka na ba sa tuwa dahil nakita mo na si John Oriel?”
“Johnny…”
“Bakit?”
“Naliligaw ako…”
“Ano?!”
Nagulat si Johhny, parang nataranta pa siya nang marinig mula sa telepono ang paghikbi ko.
“Nasan ka, susunduin kita!”
“Hindi ko alam kung anong lugar to…” sagot ko sabay libot ng tingin. “Basta nasa tapat ako ng isang… parang theatre.”
“Theatre? Aong theatre?”
“Ang sabi nung napagtanungan ko, nasa New Manila daw ako."
“Ha? Paano ka naman napunta diyan, may Theater ba diyan?”
“Ewan ko, ewan ko…”
Umiyak na ako.
Gusto ko nang umuwi.
Hindi naman ako binigo ni Johhny, sinundo niya ako, kaso pagdating niya, sobra akong nahiya. Kasama niya kasi ang papa niya na si Tito Henry. Sa halip nga na pasalamatan ay gusto ko siyang batukan. Hindi na niya dapat isinama si uncle, ano na lang iisipin nito… high school student na ko, pero naliligaw pa rin?…
Isa itong malaking kahihiyan para sa akin.
Anyway, isa lang ang malinaw sa pangyayaring ito… Isang malaking failure ang second plan ko para makita si John Oriel.
Plan 1 Manood ng live concert… FAILED
Plan 2 Maging audience sa Variety show ng Tornado… FAILED
Pero di dapat mawalan ng pag-asa…may chance pa ko.
May chance pa.
