"The real joy of being in love is the "enjoyable time where you feel all airy thinking of the person you like."
--Sho Sakurai
[Nikki's POV]
Malakas ang ulan noon,
Nagkulong si Johnny sa kuwarto niya.
Nahiga lang siya buong maghapon sa kama habang iniisip na sobrang mahal siya ng langit, dahil nakikidalamhati ito sa pagkabasted niya.
Tinanggihan kasi siya ng babaeng halos isang taon niya nang niligawan. Sa simula pa lang alam niya naman na hindi siya gusto nito pero nagpumilit pa rin siya kaya iyon ang napala nyia...
Noong araw na yon naisip namin na puntahan siya para makiramay.
Naappreciate niya naman yon, pero... para batid namin na walang anuman o sino man ang makakapaghilom ng sugatan niyang puso...
"Pwuede ba itigil mo na ang pagmumukmok, mag party na lang tayo!" suhesyon ni Ivan.
Ngumiti si Johnny, nagustuhan niya ang ideya.
Kaya nga nag videoke kami, kumain at nag-inuman.
[Dahil nandon ang mama ni Johnny sa halip na alak ay gatas ang ininom namin, ayaw kasi nito ng naglalasing lalo na at maaga pa]
"Ah maabala ko lang kayo sandali, puwede bang mamaya na uli kayo magkantahan, magsisimula na kasi yung paborito kong programa..."
Pinagbigyan naman namin ang pakiusap ng mama ni Johnny. Katunayan, sinamahan pa namin siya manood.
Isa yong cooking contest.
"Sino kayang matatanggal ngayon?" sabi ng mama ni Johnny.
Pinanood namin ang programa.
Ang natanggal ay ang college student na si Yumi.
Kinabukasan, malungkot pa rin si Johnny.
"Ano, hindi ka pa rin ba nakaka move on?"tanong ko.
Umiling siya. "Okey na ko, naalala ko lang yung babeng natanggal sa cooking contest
Napakunot ako ng noo. "May tama ka ba, bakit ka naman na apektuhan don?"
"Pinanood ko yung mga back episode nung show kaya may mga nalaman ako tungkol dun sa contestant na yon, Yumi Marquez ang pangalan niya. Hindi ko alam kung bakit, pero naaawa ako sa kanya. Alam ko ang pakiramdam ng ma reject."
Hindi ko inintindi ang sinabi ni Johnny, naisip ko kasi na baka dala lang yon ng pagiging broken hearted niya.
Hanggang sa isang araw nakita ko siya na tinitingnan ang site nung cooking contest. Nagwall post siya don gamit ang isang anonymous na account--- sinabi nyang...
"AYOS LANG YAN YUMI!" -Johnny.
Pagkatapos non naging okey na si Johnny, unti unti na siyang nakaka move on.
Hanggang sa isang umaga nagkaron kami ng pagkakataon mapanood ang isang cooking show na host si An, ang Cooking ways.
Sa episode na yon guess ang isang college student.
Out of the blue, si Johnny parang pinasukan ng paru paro sa tiyan.... Yung Yumi kasi ang nag guess sa show na yon.
Napatingin kami sa kanya. Napapatulala siya, lalo na kapag naka- focus sa kamera ang guess na yon...
Parang kabaliwan lang, pero naging crush talaga ni Johnny ang babaeng yon.
Hindi namin gusto ang nagyari pero hinayaan na lang namin para tuluyan nang makapag move on si Johnny.