Naging usap usapan ang balita na nabuntis ang host ng Cooking Ways na si Miss An kaya naman natigil ang pag-ere ng programa kahit na super taas ng rating nito.
Syempre maraming fan ang nalungkot kabilang na ako... pero ganoon naman talaga ang buhay, may dumarating, may nawawala...
May isang bagay lang ako na hindi inasahan, isang bagay na alam kong puwedeng magpabago ng aking buhay.
Tinawagan ako para maging host ng bagong reformat na show ng Cooking Ways [This time, ang host na ang magtuturo sa mga guess ng recipe depende sa pangangailangan nila]
"Teka, tatanggapin ko ba?" tanong ko. Nag-aalala kasi ako na baka mabigo ko lang sila. Paano kung hindi ako magustuhan ng mga manonood, masasayang lang ang tiwala na ipinakita nila sa akin.
"Go for it!" payo ni Johnny at ng pamilya niya
"Magagawa mo yon, Yumi!" sabi naman ng mga magulang ko.
"Go, go, go!!!" insist ni Kirari
Ilan lamang sila sa mga nanghikayat sa akin para tanggapin ang opportunity na iyon...
Nagdalawang isip talaga ko pero...
Kung hindi ko marahil TINANGGAP iyon, sigurado hindi ko mararating ang kinalalagyan ko ngayon.
Pagkatapos mag ere ng programa ko, naging sunod sunod ang magagandang mga feedbacks, may mga negative pa rin pero kakaunti lang...
Sample feedbacks
"Yumi Marquez is a good host."
"I love her recipes because they are simple and achievable for the ordinary cook at home. Yet they are also very different and innovative, and always full of flavor."
"She has sense of humor, and yet so much pretty, I want to be like her when I grow up"
"Yumi is great because she presents practical advice in an entertaining way. She's not too serious about cooking and her enthusiasm is infectious. Sometimess she even sings."
Sa sandaling panahon, nakuha ko ang kasikatan na inaasam ng marami. Mahirap mang paniwalaan pero totoo ito. Hindi ito panaginip. Talaga ngang nakuha ko na ang kasikatan.
"Yumi! Yumi! Yumi!"
Fanpage, websites, fansite, mga regalo-ang lahat ng iyon, ibinigay ng mga naging tagahanga ko. Since cooking show ang programa ko marami sa kanila mga nanay, bata at teenagers.
Pero bakit ganon...
Kahit nagtagumpay na'ko hindi pa rin ako masaya.
Sa tuwing uuwi ako galing sa taping o kaya sa school ramdam ko na may kulang.
Naupo ako sa kama ko, nag-isip hanggang sa mapansin ko ang isang magazine.
Sa pagbuklat ko nito saktong nabasa ko ang isang quotation.
"Real happiness comes when you're inlove."
Natigilan ako, bago ko inulit ang pagbasa sa quote.
Tama, mas sasaya ang tao kung may pag-ibig sa mga puso at buhay nila.
Bigla ko tuloy naalala yung time na in love pa ko kay Mechaman. Noon, parati akong nakangiti at punong puno ng energy. Namiss ko naman tuloy ang mga araw na yon, ang mga araw kung saan fan niya palang ako.
Pinagpatuloy ko ang pagbabasa, nagulat na lang ako nang malaman ko kung saan galing ang quotation na yon... sinabi yon ng actor singer na si John Oriel.
May kompanya ng chocolate na kumuha sa akin para sa commercial nila. Syempre hindi ko na yon pinalampas.
First time ko ito sa isang commercial.
Kinakabahan ako pero sa loob loob ko, sobrang saya dahil minsan ko nang pinangarap na makagawa ng commercial.
Binati ako ng halos lahat ng staff sa set ng commercial. Syempre nginitian ko sila. Gusto ko na maging mabait sa lahat.
Ang laki ng ngiti ko... hindi ito mawala-wala hanggang sa makita ko siya....
Si John Oriel.
"Anong ginagawa niya rito?"
"Hindi ko ba nasabi sayo, makakasama mo siya sa commercial!" sabi ni Kirari na ngayo'y manager ko na.
Napatingin ako kay Kirari "Anong sinabi mo?"
