“What is fame?
Fame is the advantage of being known by people of whom you yourself know nothing, and for whom you care as little
-Lord Byron”
Kapag sikat ka, ano bang mas marami?
Like o Dislike?
Fan o Hater?
Bago pa ang graduation, naghanda na kami ni Johnny para kumuha ng exam sa isang kilalang University.
Noong una hindi ako confident na makakapasa. Actually lahat ng tao, kahit mga teachers ko, duda sa kakayahan ko. Si Jonny lang ang nagpalakas ng loob ko.
“Huwag tayong susuko Yumi, kakayanin natin to!”
Sabay kaming nag review ni Johnny
Sa pagkakataong ito kinalimutan ko na ang tungkol sa hilig ko.
Ang mga poster, magazines, mga Cd’s DVD’s… ang lahat ng magpapapalala sa akin kay John Oriel, itinago ko na sa isang kahon.
Tama yung sinabi ni mama, hindi ako matutulungan ng hilig ko. Mas mabuti na kalimutan na ito at mag focus na lang sa pag-aaral.
Two months after…
Sa tulong ng sipag at determinasyon, nakaya ko… nakapasa ako sa University.
Ang plano, kukuha kami ni Johnny ng magkalapit na dorm sa Manila na malapit University.
Sa ganitong paraan, hindi kami magkakalayo ni Johhnny.
Nabago lang ang plano nang atakihin sa puso ang tatay ni Johnny.
Dahil sa sakit nito, kinailangan ng kaibigan ko na mamili.
Aasikasuhin ang store nila, o magtutuloy sa college?
Pinili niya ang store.
Mag-aaral pa rin naman siya, pero hindi na sa University, sa malapit na lang, para maasikaso niya ang store nila.
Ang tanong ngayon ay kung kakayanin ko na wala si Johnny.
Dear Johnny,
Kumusta kana?
Isang taon na rin mula ng huli tayong magkita… Ang balita ko, mahusay ang pag mamanage mo sa store nyo…
Ipagpatuloy mo lang yan…
Ako rin, pinagbubuti ko ang pag-aaral.
Ang dami ko nang napagdaanan---at kating kati na ko na ikwento sayo iyon ng personal…
Sana magkita na tayo.
Miss na kita!
Ikaw ba, hindi mo ko na mi-miss, madalang ka na kasi sumulat o tumawag. Ganun ba talaga ka busy ang work mo?
Anyway, I want to inform you na this coming Friday uuwi ako… salubungin mo ko ha…”
--from Yumi
(via email)
“Yumi… ikaw ba yan?”
Gulat na gulat si Johnny nang makita ako sa bus terminal.
Halatang nabigla siya sa malaking pagbabago ko.
Simula kasi sa hair style, skin tone hanggang sa pananamit… nagbago talaga ko.