Chapter 13- Bark of Love

4 0 0
                                    

"Sandy? , hey Sandy??? You're dreaming ....... hey , hey , hey ....."

Pag mulat ko, ay si Kennedy agad ang nakita ko. Napabangon ako bigla. Bakit kaya bihis na bihis ito.

"Are you okay??" Tanong nya sakin , parang naguguluhan ito ayon sa facial expression nya. "Bakit parang ang sama ata ng gising mo ?"

Nagkamot ako ng ulo. At tinignan ko ang sarili , napagtanto kong nananaginip lang pala ako. Hayssssss...... humiga ako ulit .

Nakakahiya , ano ba yan !!! Bakit ko ba napapanaginipan tong aswang na to.

"Bumangon kana dyan. Maligo kana then after , mag almusal ka." naka harap ito sa salamin at inaayos ang suot nitong polo.

Hindi parin ako nagsasalita.
Akala ko talaga totoo na yung nangyari. Hmp !

"Sandara????? Am I the only one person here?"

"Oo" sagot ko.

"Lumapit ito sa may kama at hinila ako upang bumangon.

"Anong 'oo' ? Bumangon kana ... may pupuntahan tayo okay ? Bawal ang tatamad-tamad dito." Panenermon nya.

Wala ako sa mood. Hayyyy nako.

Sa pagkakataong ito ay hinatid pa ako nito sa loob ng Bathroom. Lumabas din ito after nyang i-lock ang pintuan.

"Bakit ba ako nandito? Bakit ba pinipilit naming dalawa yung wala naman talaga. At yung lalaking yon , kadiri !!!!"sigaw ko sa loob habang naliligo ako.

Halos mapudpod yung sabon sa panggigigil kong sabunin tong katawan ko. Grabe , siguro kung may nangyari lang talaga samin. Baka hindi ko sya matignan sa mata!

Buti nalang panaginip lang lahat!

Natapos din ako , at paglabas ko'y nasa sofa ito at busy sa pag babasa ng newspaper.

"Hoy , umalis ka dito at magbibihis ako." Akala mo ako may ari ng bahay e.

"Matagal ko ng nakita yan . Infact, di ako nakatingin sayo."

Medyo namula yung mukha ko sa sinabi nya. Aba , ang hayup! At nakuha pang makipag biruan sakin!!!

"Aalis ka ba o hindi ??? Akala ko ba nagmamadali ka??? Bahala ka di ako magbibihis!!!"

"Hahahaha, tinatakot mo ba ako?" Sa pagkakataong iyon ay nakangiti itong nakatingin sakin , tinititigan ako nito mula ulo hanggang paa.

Namumula lalo ang mukha ko. Bigla pa itong lumapit sa akin. At palapit ng palapit.....

Napapikit ako dahil baka ito na ang katapusan ko. Baka rape-in ako nito!!! Inay ku po!!!!!

Bumunghalit ito sa tawa. Saka ako iniwan at pag dilat ko ng mata ko ay nagsalita ulit ito.

"Ang cute mo namang kabahan. Oh ayan , nakahanda na mga susuotin mo. "
At malakas nitong isinara ang pinto.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Kainis yong lalaking yon!!!!!" Sobra ang inis na nararamdaman ko ngayon . Kay aga aga ! Ilang beses na ba akong napahiya sa harap nito . Sandara? Anong nangyayari sayo???? Bakit napapapigil nya ang mundo mo!!! Tanong ko sa aking sarili.

Tinignan ko ang mga damit na susuotin ko at mukha naman itong desente tignan. Di nga lang bagay sa akin. Mukha akong pastora pag nagsusuot ako ng mga dress. At floral pa!

Pagkatapos kong mag suklay ay bumaba na ako upang mag almusal. Gutom na gutom narin ako. Parang kagabi pa galit itong mga alaga kong anaconda sa tyan.

Pag baba ko ay walang tao sa ibaba.

"Nasan kaya mga tao dito?" Kinakausap ko na naman ang sarili ko. Nagugutom na ako nasan na kaya yong lalaking yon.

Nag lakad lakad ako hanggat may nakaagaw ng atensyon ko. Isang painting.

Isang babae ang nasa larawan at sobrang payapa ng mukha nito. Siguro yan yung girlfriend nya. Matagal ko itong tinitigan sobrang galing kasi ng nagpinta . I'm sure isa na ito ngayon sa pinaka mayaman at kilala sa mundo ng sining!

Tumutunog na ang tyan ko . Kaya umalis narin ako , parang ang tagal ko rin kasing nakatayo sa harap ng painting na yon!!! Standing ovation ba??????

Letchugas talaga si Kennedy , napakalaki ng bahay kaya di ko alam kung san ko sya hahagilapin.

Pag labas ko ay may nakita akong swimming pool malapit sa garden. Wow!!!!!! Ang ganda!!! Astig! Bakit ba di ako namasyal masyal kagabi para nakita ko sana to!

Lumabas ako at inalis ang mga suot kong sandals at inulublob koang aking mga paa sa swimming pool. Ang lamig!!! Ang sarap !! Nakakarefresh.

Ang tahimik ng lugar. Parang maeenjoy ko yung pag-i-stay ko rito.

Napaisip ako bigla. Bakit ko ba ineenjoy to Sandara???? Di naman to mag tatagal e. Hindi talaga. Niloloko mo lang ang sarili mo. Ano ka ??? Si sleeping beauty ? Na nahanap agad si prince charming after magising! Buti pa si sleeping beauty nagising ! E ikaw di ka magising sa katotohanan!

Bigla akong nagulat ng may biglang bumangga sa akin mula sa likod. Isa umano itong pug.

Hinarap ko sya at patakbo takbo ito na tila nakikipaglaro. Nako pasalamat ka at di ako nalaglag sa pool. Kung hindi......

Hinabol ko ito pero mabilis syang nakakaiwas. Ang cute cute nya ! Ang dali ko pa naman maattach sa mga aso. Maliban sa mga mukhang aso.

"Nagustuhan mo ba?" Boses ni Kennedy , palapit na ito ngayom sakin.

Tinignan ko lamang sya at binalik ko ang aking tingin sa aso na ngayo'y busy sa pag lalaro sa bandang paanan ko.

"Anong pangalan nya?"

"Wala."

"Huh?ang pangit mo namang magbigay ng pangalan." Reklamo ko.

"No, I mean . Wala pa syang name. Kayamatagal ako kasi kakakuha ko lang sa kanya. Ang tagal mo kasi maligo kaya ako nalang ang lumabas ."

"Huh??? Bagong bili mo lang yan??? Ang cute nya anong balak mo ipangalan sakanya?"
Nawiwili ako sa aso kaya pala parang sabik na sabik ito sa tao. Hawak ko na sya ngayon at buhat buhat.

"Ikaw nga mag isip ano ba maganda? Hmmmm.... bat di nalang Dara? Tutal babae sya." suhestyon nito.

"E kung tadyakan ko yang mukha mo ng magmukha ka ring pug!!!"

Tawa lang ito ng tawa. "Grabe ka naman , binibiro lang kita."

"Ano nga?". Pamimilit ko.

Umupo ito sa may damuhan at tumabi sakin. "Ikaw na mag-isip , wala akong maisip e."

E wala ka kasing isip , gusto ko sanang sabihin kaso wag nalang , tutal may mabuti namang naidulot ito sa buhay ko ngayong umaga. As in ngayong umaga lang.

Ano kayang pangalan ng asong to.

Nutella?
Brashear?
Flash?
Lushcka

Ay ewan ko.

"What if 'Love' nalang?" Si kennedy.

Wow. Wala daw sya maisip . Pero infairness magamda yung Love. Hmmmm... sabagay mas bagay dito kasi natuwa ako agad at parang na love at first sight ako sa asong ito.

"Sige , Love nalang. Para mas madaling bigkasin at masmadali nyang malaman na sya yon."

Ngumiti lang si Kennedy at tinawag nya ang aso sa bago nitong pangalan. Nakikipag laro ito ganun din si Love. :D

Si Love.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Night to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon