Chapter 2- Undecided

63 0 0
                                    

Hoy Miss  Sandara  Loiselle  Cruz , alas dose na nang tanghale!! Ano sa tingin mo ginagawa mo ? Bumangon kana dyan!!!!!”

Hayan na naman yung bestfriend ko. Kung makagising sa akin daig pa yung madrasta. Ang sakit ng ulo ko. Actually pangatlong gising na  nya to sa akin.

“Ano ba Rein? Inaantok pa ako.” Reklamo ko sakanya ,sabay talukbong ng kumot sa mukha.Magkasama kami ni Rein sa iisang bubong. Tunog mag-asawa diba? Madalas nga kaming pag-usapan ng mga tao dahil madalas daw kaming  mag kasama at hindi na kami pinaghiwalay ng tadhana. Kumbaga best buddies kami at best friend forever ang drama naming dalawa. Matagal ko na syang kilala at kaibigan ko na sya since Grade School. Sya yung palaging nandyan kapag inaaway ako nang mga maaarte kong classmates at ako naman ang palaging rumeresbak kapag inaapi sya ng mga bad boys.

“Bubuhusan kita ng malamig na tubig dyan kapag di ka pa bumangon. Maghanap ka nga ng trabaho mo? Ang mahal mahal ng ginastos sayo ng mga magulang mo pero -------”. Hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng biglang batuhin ko sya ng unan sa mukha , sabay bangon sa kama. Naglakad ako pababa sa hagdan para magtoothbrush at maghugas ng mukha.

“Aba ikaw pa galit nyan? Sinasabihan lang kita.!” Nakasunod pala ito sa akin. (˘л˘)

Hindi ako galit sakanya . Wala akong karapatang magalit. Kahit sino maiinis sa isang katulad ko. Napaka irresponsible ko at walang plano sa buhay. May trabaho naman ako dati hindi nga lang tugma sa kursong tinapos ko. Isa akong Physical Therapist, pero mga siyam na buwan ko lang nagamit ang pagiging Therapist ko. Yung iba puro sideline nalang ,minsan nadin akong nag call center agent, kaso hindi rin nagtagal. Yung pinakahuling trabaho ko ay manager sa isang restaurant. Kaso  nag-awol ako dahil manyakis yung boss ko.

“Hoy babae ano nanamang iniisip mo? Kinakausap kita.” Biglang nagsalita si Rein, patapos nadin ako sa ginagawa ko habang sya ay nagtitimpla ng kape. Para sa aming dalawa.

Wala naman.”tipid na sagot ko .Tumabi ito sa akin na para bang hindi naniniwala.

“Alam mo Sansan kahit patay na buhok mo kilala ko na, kaya wag kang makapagsabi sabi dyan ng WALA NAMAN, hindi ako pinanganak kahapon ate”. Mahabang sabi nito sabay abot sakin nung isang tasa ng kape.

Kamusta yung  date mo kagabi?”,pag-iiba ko ng topic.

Hmmm, okay naman kahit papaano.”

“Hindi ka pa nag-enjoy sa lagay nayan ha? Lugi ka pa talaga Rein?

“Ang arte eh, ang daming rules, Saka , wait . Hoy bruha, hindi ako ang topic dito. IKAW!”, nakapansin din pala  sya. “ Saka bakit mo ako iniwan kagabi? Nag mukha tuloy akong tanga kakahanap sayo. Kung hindi ko pa tinanong yung kapitbahay natin kung nakita ka nya ,hindi ko pa malalaman na nakauwi kana pala.”sabi ni Rein.

“Tse! Wag ka nga! Ikaw kaya ang nawala… umuwi lang naman ako kasi medyo lasing nadin ako “ ,pagpapalusot ko .

“O.P kasi ako sa mga ka-batch mo! Ang aarte eh , tapos hindi ko sila feel kaya medyo lumayo ako sainyo. Tutal nag eenjoy ka naman kaya pinabayaan muna kitang makipag jamming sa kanila ,who you nga ako kagabi eh.?” Nakangusong reklamo nito.

“Ang drama mo.” May nakita akong newspaper sa mesa kaya kinuha ko yon at inumpisahan kong basahin

“Ikaw? May naka date kaba kagabi? Sino naghatid sayo?”, pangungulit ni Rein , nakakainis talaga to, hindi ako makapagconcentrate sa binabasa kong article kaya inilapag ko nalang , tapos humigop sa kape ko. Lalaki raw? Sasabihin ko ba sakanya na nagkita kami ni Kennedy? Kaso baka mag overacting na naman to ,so sasabihin ko pa ba ?

“Sandara may kausap ba ako dito?”halatadong naghihintay ito nang sagot.

“Wag ka ngang makulit ,panigurado nag breakfast kana. Ano bang pwedeng kainin dyan? Nagugutom na ako eh.” Pag-iiba ko ng usapan, tumayo nadin ako para maaghain.

“Oo kumain na ako.May spaghetti sa ref  ipainit mo nalang.” Halatang nang iinis si Rein.

Tinignan ko ang ref at totoo nga na may spaghetti doon. Alam naman nyang di ako kumakain ng ganon pero nagluto padin sya, nagbukas nalang ako nang de lata tapos prinito ko. Bumalik ako sa sala pagkatapos kong magprito.

“Bakit yan ang kinakain mo? Ang corny mo ah, hanggang ngayon ba naman hindi ka padin kumakain ng spaghetti? Special yun uy! Hanggang ngayon parin ba naaapektuhan ka padin sa Kennedy na yon????” , nabulunan ako sa huling sinabi nya kaya inagaw ko ang kape nya saka ininom lahat. Nagulat na lamang ito nang Makita nyang ubos na .

“ Wow ha? Affected much?”

“Kumakain ako kung ano anong sinasabi mo.”

“Obvious ka kasi eh, kung wala lang dito sa Pilipinas si Kennedy ,iisipin ko na nagkita kayo kagabi.” Aray. Bakit ba ang galing nito tumayming?

Hindi na ako nakakain ng mabuti.kaya nilapag ko na ang platong hawak ko.“Nandito sya”.

“Whaaaaaat?!?!?!?!?!?!? Anong ginagawa ng lalaking yon dito? At bakit mo alam na nandito sya?Nagkita kayo no?” gulat na gulat si Rein.

Nagsindi ako ng yosi “ Ang ingay mo “

“Sabi ko na nga ba eh , namamaga yang mata mo. Siguro iniyakan mo na naman yung Walang kwentang lalakeng yon!”

“Rein , wag na nating pag usapan yon, maliligo na ako” ,pinatay ko na ang yosi at saka tumayo pero biglang nagsalita si Rein.

“Okay hindi na natin sya paguusapan pero sana pag nagkita na kayo ulit ipakita mo sa kanya na hindi sya malaking kawalan sa buhay mo. Sana lang magawa mo nang kalimutan yung taong lumimot na sayo, harapin mo yung mga taong handang tanggapin ka kung sino ka talaga , hindi sa nanunumbat ako kaibigan kasi kita at mahal kita . Bumalik ka na sa parents mo. Or else magpakita ka man lang sa kanila.” Mahabang paliwanag ni Rein.

Kahit siguro bata naintindihan yung sinabi ni Rein, pero pano ba nila ako maiintindihan kung hindi naman sakanila nangyari yung pinagdadaanan ko.? Ang hirap din sa part ko na magmukhang walang kwenta at walang future pero siguro saka lang ako magpapakita sa parents ko at sa mga kapatid ko kapag kaya ko ng tanggapin lahat ng kahihiyan na dinala ko sa pamilya namin.

                                                                                 ◄*******►

A Night to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon