Muntikan akong makulong ng dahil sa Tres Marias . Buti nalang nandito si Ric at dinedefend ako . Gusto kaming ipakulong ng may-ari ng bar. Kaya pala takot na takot si Ric dahil sa isa sa Tres Marias ay anak ng may ari ng bar nayon. Si pekpekShorts (>.<)
Tinanong ako ng police officer na nag-iinterview sa akin kung naka droga raw ba ako? Sumagot ako ng pabalang at sinabi ko sakanya na sabayan nya akong mag-urinalysis . Nagulat ito at nagalit sa akin buti nalang nandito si Ric at pinapakalma ngayon yung pulis na isat-kalahating bobo.
Ako yung pinagdiskitahan tapos sasabihin nila na ako yung nambugbog? Sa bagay , basag lang naman ang labi ko at medyo namamaga ang magkabila kong pisngi dahil narin sa inabot kong sampal sa espasol na yon . Nasa kabila ang mga ito , medyo inilayo sa akin dahil daw baka makapanakit na naman ako. Nagsinungaling pa ang mga ito , sinabi sa pulis na nilalandi ko raw ang boyfriend na . Aba , ako pa talaga ??? Excuse me , wala akong inagaw , at wala akong balak agawin yung napakawalang kwenta nyang ‘boyfriend’ . Ang buhay talaga dito sa mundo , napaka-unfair , kayang pabaliktarin ng mga may pera yung TOTOONG nangyari at isisisi yon sa mga mas mahirap pa sa daga na katulad ko (>.<)
“Miss , hindi ka namin pwedeng pauwiin hanggang walang sumusundo sayo para narin mabayaran mo ang mga nasira mo sa bar.” Yung pulis. Ako pa talaga ang magbabayad ???? ano ba ang sinira ko????Sino ako ? Si The Hulk ? Nagbabagong anyo sa napakaliit na bahay at pag lumaki ay mawawasak lahat !!!! Anong gagawin ko ??? Eh wala akong ka-pera – pera . Pati narin si Ric , Siguradong papatalsikin narin ito sa Le Brassieur . Kinalaban mo ba naman yung anak ng may-ari? Ang bigat non.
“Look kung gusto mo , uuwi muna ako tapos saka ko babayaran lahat ng nasira ko.” , sabi ko sa pulis .kaso paano ko naman babayaran yon , wala nga akong trabaho at kapera-pera. Sino ang tatawagan ko? Nawala yung cellphone ko , dahil narin sa gulong nangyari kanina. Kung hindi ako magbabayad ay ipapakulong kaming dalawa ni Ric. Mukhang pera talaga yung Manager at yung may-ari ng bar na yon. Dahil daw sa gulong ginawa ko ay nagsi-alisan ang mga tao , kaya dapat daw palitan ko ang gulong naidulot ko sa business nila.
Humihingi sila ng tig-50k namin ni Ric. Aba ayaw ko namang makulong no! Kaso alam ko namang ako ang dahilan kung bakit makukulong si Ric .Ano kaya ang gagawin ko? Manghiram kaya ako kay Vincent ? Kakapalan ko na yung mukha ko , kaso nawawala nga yung cllphone ko. Ang malas nga naming ng buhay ko oh……… Di ko rin memorize number ni Vincent . Si Rein? Alam kong walang pera yon dahil gumastos ito sa pampagamot ng nanay nya at umuwi ito sa probinsya para magpakasaya. Problema na naman ba idudulot ko sa kaibigan kong yon?????
“Sweetheart! Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis!” Narinig ko si Espasol na nagsalita at ng lingunin ko ito ay nakita kong niyakap nito si Kennedy . Kakarating lang nya , at patay malisya lang ito sa yakap ng babae at inalis ang kamay nito sa pagkakayakap sa kanya. Mukhang iritang-irita.
Naglakad ito patungo sa amin , nakabuntot parin si Espasol dito . “Sweetheart , wala kang babayaran dahil wala kaming kasalanan, yang babaeng yan ang dapat makulong.” Sabay duro nya sakin.
“Don’t call me sweetheart , Mara. Tumigil ka na.” sabi ni Kennedy .
“Sir , totoo po yung sinasabi ng syota nyo .” yung pulis ang nagsalita.
“Hindi ko sya syota , or kahit ano pa man ang tawag don. WALA KAMING RELASYON .” sabi nito ng mariin. Hinampas ni Espasol si Kennedy at pinalayo muna ng isang pulis si espasol ,or Mara kay Kennedy. Nagagalit naman ito , kailangan pang takutin ito ng pulis na ipapapasok sya sa selda para lang manahimik na ito.“Sya ang girlfriend ko , “ sabi ni Kennedy , nagulat ako sa sinabi nito at pati narin si Ric na katabi ko pa .” Magkano areglo nya ?” tanong ni Kennedy.
BINABASA MO ANG
A Night to Remember
Teen FictionBakit ba kailangan pang magtagpo ulit ang landas ng dalawang tao? Iiwan ka tapos babalik din sayo. Magmamakaawa syang tanggapin mo sya at bigyan ng chance pero hindi ba nya naisip na hindi nya deserve ang second chance......? Kung ikaw ang nasa sit...