Kennedy Martinez POV
"I'm sorry". Yun lang ang tangi kong nasabi kay Sandy. Umiiyak ito ngayon at hindi na ako pinansin. Ngayon ko lang narealize na mali yung ginawa ko. Nagpatangay ako , at mas lalo ko pang nasaktan yung damdamin nya . Hay nako Kennedy , padalos dalos ka kasi.
Iniwan ko na sya sa kwarto ,magpapahangin muna ako sa labas .Naalala ko parin yung mukha nya habang hinahalikan ko sya. Nakapikit sya na para bang takot na takot at parang first time lang mangyare yun sa kanya. Sabagay ,hindi ko sya masisisi ,sino ba namang hindi maaalarma kung kinidnap ka tapos paggising mo nasa iba ka ng kwarto . Siguro sobrang nagulat si Sandy ,kaya nagawa nya akong paghahampasin at pagtatadyakan.
Okay na sana yon kaso bigla nya akong dinuraan sa mukha . Sino ba namang hindi mag-iinit ang ulo kapag ginawa yon sakanya ng ibang tao? Pero , ang sexy nya talaga . Tatakutin ko lang sana sya , kaso nagpatangay ako . Ang ganda parin ni Sandy kahit na lumipas man ang ilang taon. Palaban parin ito at walang sinasanto . Tulad parin ito ng dati , ano bang nangyayare sakin . Sabagay , kapag hindi ko sya dinaan sa dahas baka hindi rin sya sumama sakin. Gusto ko lang naman syang makausap at makasama. Marami akong dapat ipaliwanag sa kanya.
"Iho , hindi mo ba papakainin yung bisita mo ? Baka gutom na yon , alas dyes na oh ?" ,biglang nagsalita si Nay Maring . Ang pinaka-mapagkakatiwalang kasambahay namin.
"Nay Maring , bilhan nyo po muna sya ng bagong pares ng damit pati narin mga underwear." Yun lang ang nasabi ko at tumayo na .
"Sige iho ".
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Sandara Loiselle Cruz POV
Ding dong .......ding dong ...
Bumangon ako mula sa kama , kanina pa ako umiiyak . Sino kaya yung nag-dodoor bell . Kung si Kennedy man yon , sasampalin ko sya agad . Grrrrrrrr.
Binuksan ko ang pinto ,at nagulat nalang ako ng makita kong iba ang nakatayo sa labas. Medyo may katandaan na ito . At may hawak hawak itong mga damit .
"Magandang umaga Iha." Bati ng babae sa akin , nakangiti pa ito habang nagsasalita." Heto nga pala , pinabibigay ni Kennedy , suotin mo raw . Pagkatapos mong magpalit ,umakyat kana ha? Para makapag-almusal kana rin." Nakangiti parin ito.
"Salamat po . "yun lang ang nasabi ko at umalis narin ito. Sinara ko na an pinto at pinag-iisipan ko pa kung susuotin ko ang damit na binigay sa akin ni Dy . Nako nakakainis naman , kanina lang nung halos reypin na nga ako tapos ngayon , bibigyan nya ako ng damit ? Ano to suhol para pumayag ko sa gusto nya ? Nakakainis sya , para syang bata kung mag-isip.
Nagpunta na ako sa may shower room para makaligo na . Maluwang ito at sobrang linis . Mukhang pinagkagastusan ito dahil narin sa mga magagarang gamit at sa design nito . Inenjoy kong maligo , bahala silang maghintay sa akin . Tutal si Kennedy lang naman ang dahilan kung bakit ako nandito kaya lulubos lubusin ko na . Natapos narin akong maligo at kumuha ng tuwalya sa may cabinet , maayos ang pagkakatupi non . Saka ko tinignan ang pinamiling mga damit para sa akin.
Mukha naman itong maayos , isang pares ng kulay beige na bra at panty . At may white pants at kulay blue na blouse.
"Ano to ? Magsisimba ako ? " napansin kong may isang magkapares na sandals , bumagay naman yon sa suot kong damit, dahil kulay gray ito . "Kahit kailan talaga ang baduy nya pumili ng damit" .
Lumabas na ako mula sa kwarto , doon ko pa lamang napansin na hindi ako pababa kundi paakyat. Ibig sabihin nasa may basement ako kanina ??Malaki ang buong bahay , at maganda ang pagkakadisenyo non. Lahat ng palamuti ay nababagay sa loob ng bahay. Maganda rin ang bawat kulay dahil may dalawang tema ito . Dark brown and white.
BINABASA MO ANG
A Night to Remember
Novela JuvenilBakit ba kailangan pang magtagpo ulit ang landas ng dalawang tao? Iiwan ka tapos babalik din sayo. Magmamakaawa syang tanggapin mo sya at bigyan ng chance pero hindi ba nya naisip na hindi nya deserve ang second chance......? Kung ikaw ang nasa sit...