Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at may ilaw akong naaninag. Nananaginip ba ako hanggang ngayon? Kinurot ko ang aking sarili at doon ko pa laamng napagtantong gising ako. Puti ang kisame at maging ang pader. At nakaswero ---- wait ? Nakaswero ? >.< Bakit ako nakaswero.? Waaahhhhhhhhhhhh. Lumingon ako sa kaliwa , at nakita ko si Rein sa may sofa na nakahiga at mukhang nakatulog. Kinuha ko ang unan sabay bato ko kay Rein pero hindi ito nagising. May nakita akong mansanas sa sidetable ko at ibinato ko ulit kay Rein yon. Tignan ko lang kung hindi pa sya magising.
“Mansanas?!? Wtf ,nagbeabeauty rest ako dito tapos ….. “ bumangon ito sabay lapit sa akin.” Hoy gising kana pala “.
“Oo obvious ba? Gusto ko ng umuwe. Nabagok ba ako ha? Bakit kailangan pa akong i-swero ?”
“Hindi pa pwede baka hanggang bukas ka pa dito. Kita mo nagmamagaling ka na naman , ayan nangyari sayo . Alam mo naman diba na allergic ka sa seafoods. “ nanenermon na naman yung kaibigan ko.
“Rein tumigil ka nga dyan . Nakakairita ka eh. Allergies lang to ,isang inom ko lang ng anti-histamine mawawala na to. Kaya pwede na ako umuwi.”
“Pasalamat ka mabait si Cent. Wait nga , kailan ka pa natutong magsinungaling sa akin?” si Rein
At kailan naman ako nagsinungaling sakanya? Nagtataka ako sa sinasabi nito . At ano na namang nagawa kong kasalanan. Magsasalita palang ako pero inunahan na ako nito.
“Nandito kanina si Dy. At sa sobrang gulat ko ay hinatak ko sya palabas.” Galit na galit sabi ni Rein.
Nagulat ako sa ginawa ni Rein , teacher ito pero wala sa bokabularyo nito ang salitang ‘mahabang pasensya’.
“Bakit mo ginawa yon ?”
“Bakit hindi ? Nag-sorry sya pero hindi dapat sya sakin mag-sorry . Alam mo yan . At isa pa naiinis ako sa kanya.” Umupo ito sa may gilid ng hinihigaan ko.
“Rein ,thank you . Alam kong nagkakaganyan ka dahil sa akin. “ nakangiti kong sabi sa kanya .
“Wow ha , nakangiti ka na ngayon ? Wag mong sabihing hindi ka na bitter nyan .” taas kilay na tanong nito.
“Galit ako sakanya. Galit na galit . Sa totoo lang , hindi ko alam kung bakit sya bumalik ngayon. Na parang walang nangyari. Na parang wala syang ginawang di maganda sa akin.”
Ramdam ko na naaawa si Rein , at wala syang ibang magawa kundi icomfort ako.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Nagising ako ng biglang may nalaglag na bagay sa sahig .Inaayos ni Rein yung mga damit ko at kinakausap nya yung doctor.Narinig ko pa yung sinabi ng doctor na pwede na daw akong umuwi. Umalis narin ang doctor pagkatapos nya akong kausapin.
“Rein paano ako makakalabas kung di pa natin bayad yung bill?” .san ako kukuha ng pera pambayad sa lahat ng nagastos dito sa hospital .
Hindi ito nakasagot agad dahil bising-busy ito sa pag-aayos ng mga iuuwi naming gamit.
“Wag mo ng intindihin yon . Si Cent na bahala don.”
“Ang kapal ng mukha mo ah. Lumelevel-up . Hindi nga? Sya pinagbayad mo?”
“Hoy ang aga kaya nyang pumunta dito . Sabi nga nya pakainin daw kita “ kumain ito ng apple. “ Sabi ko naman pakainin nya ako”. Ang lakas ng tawa nito. Napangiti nalang ako. Nakakagoodvibes talaga si Rein .Kaya di na namin napigil yung tawa naming dalawa.
Puro kalokohan si Rein . Natahimik nalang kami ng biglang may kumatok at bumukas ang pinto . Si Vincent.
“Hi ,goodmorning ladies.” Bati nya habang palapit ito sa amin.
“Hello , goodmorning din. Sya nga pala salamat ha . Kaso bakit mo binayaran yung bill?? Ang dami mo ng naitulong sa akin.” Sinesenyasan ako ni Rein na tigilan ko na yung pagtatanong . At wag na daw akong mag inarte.
“Don’t worry .Tutal ako yung dahilan kung bakit ka inatake ng allergy mo . Im sorry talaga Sansan. Hindi man lang kita natanong ,kung bawal man lang yun sayo. Sorry talaga.” Sincere ito sa paghingi ng sorry kahit na ako naman ang dahilan kung bakit ako inatake ng allergy ko .
“Ano kaba . Akala ko kasi wala na akong allergy . Matagal na kasi akong di kumakain ng seafoods kaya na enjoy kong kumain.”
“I understand. Sobrang tagal mo na ba talagang di kumain non?”
“Since 4th year highschool .” J
“Woah. Ang tagal na pala” hindi makapaniwalang sabi ni Vincent.
“Yep”. Napangiti ako , pero biglang may nag popped in sa isip ko . Naalala ko yung last kong kain ng seafoods nung icecelebrate naming yung '1st year anniversary naming ni Dy . Inaya nya akong kumain sa kanila .Mabait ang parents nya at sobrang sarap ng luto ng mama nya. Pinagluto ako ng sinigang na sugpo. Hindi ko inamin kay Dy at sa parents nya na may allergy ako sa seafoods. Dahil ayaw kong maoffend ang mama nya at sabihing maarte ako.
Kinaumagahan ,hindi ako nakapasok sa klase namin at hindi kami nakapagsabay ni Dy na kumain ng almusal ng sabay. Nagulat nalamang daw sya ng biglang pumunta ang kasambahay namin sa school at pinapaexcuse ako dahil daw itinakbo ako sa hospital.
Agad-agad na dumalaw si Dy noon. Ayaw ko pa ngang magpakita sa kanya . Nasa private room ako noon , at yung maid lang namin ang nandoon na nagbabantay sa akin dahil may business trip sa Singapore si Mommy at Daddy . Nahihiya akong harapin si Dy dahil sobrang pangit ng mukha ko noon, buti nalang may kumot na tumatakip sa mukha at buong katawan ko.
Kinukulit ako ni Dy na wag daw akong mahiya sa kanya . Nagsosorry pa nga ito sa akin dahil kasalanan daw nya kung bakit ako nahospital. Ang nakakainis pa doon ay inaagaw nya sakin yung kumot at saka ako pinipicturan . Sobra yung pamamaga ng mukha ko dahil nadin sa side effect ng allergy ko.
Pero bakit ko ba naaalala yung lalaking yon? Tsssssss. ERASE. DELETE. CORRUPT. REFRESH.
“Tutunganga ka nalang ba dyan ? o kailangan mo pa ng wheelchair para makalabas na tayo ?” biglang nagsalita ang dakila kong kaibigan . Ang tagal ko palang nakatunganga di ko napansin na nakapagligpit na pala ng gamit yung dalawa at ako nalang ang hinihintay.
“Ah sorry . Kaya ko namang maglakad eh.”
Nauna nang umalis si Rein papunta sa kotse ni Vincent. Sinabayan naman ako ni Vincent na maglakad. Napatigil ako saglit dahil parang may tao akong ineexpect na dumating .
“Tara na . Sakay na.” si Vincent.
Ngumiti nalang ako saka sumakay na kami sa kotse. Hinatid kami ni Vincent hanggang sa bahay . Nagpasalamat ako kay Vincent , hanggang sa magpaalam nadin ito sa amin.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
BINABASA MO ANG
A Night to Remember
Novela JuvenilBakit ba kailangan pang magtagpo ulit ang landas ng dalawang tao? Iiwan ka tapos babalik din sayo. Magmamakaawa syang tanggapin mo sya at bigyan ng chance pero hindi ba nya naisip na hindi nya deserve ang second chance......? Kung ikaw ang nasa sit...