Alas-dos na ng hapon at halos pauwi na ang mga tao sa kani-kanilang mga tahanan. Pero ako heto pagod na pagod na sa kakalakad para makapag-hanap ng bagong mapapasukang trabaho. Pero as usual , bigo na naman ako kaya naisipan ko munang tumingin-tingin ng mga damit.
May nakita akong boutique ,at mukhang kabubukas pa lamang non.Nakita kong maraming taong tumitingin kaya hindi na ako nagpapigil pang pumasok. Tumingin tingin ako sa buong sulok at may nakaagaw pansin sa akin na damit. Maganda ang disenyo nito at pati narin ang kulay. Kulay pula at hanggang tuhod ang haba.Sinusukat ko ito ng biglang may magsalita .
“Miss ,bagay sayo yang dress na yan.” Boses ng lalaki.
“I know right”, tipid kong sagot, ayaw ko sa lahat yung kinakausap ako ng taong hindi ko kilala pero heto ako parang timang sumasagot naman.
“Parang familiar ka sa akin kaso hindi ko maalala kung san tayo nagkita.” ,sabi pa nito at mukhang nag-iisip ng malalim ng lingunin ko sya. Maputi ito at matangkad. Makisig ang katawan at mukhang …. Babaero. Yung mga ganong uri ng lalaki ay basang-basa ko na kahit saang anggulo. Iniwan ko na syang mag-isa at naglakad para tumingin pa ng iba pang damit.
“Hey, naalala ko na . Hindi mo na ba ako maalala?” tanong nito na nakangiti pa sa akin.
Siguro nga kilala ko sya dati pero hindi ko talaga sya mamukhaan. Kaya hindi ako nagsalita at hindi ko na lamang sya pinansin.
“C’mon ,sansan? Ang laki ng ipinagbago mo . lalo ka pang gumanda.” Kilala nga ako nito ,pero lahat naman ng lalaki gagawa at gagawa ng dahilan makapagpa-cute lang sa babae. Kumbaga GGSS (gwapong-gwapo sa sarili) .
“Sino kaba ? Hoy mister pwede ba wag kang paharang harang sa dinadaanan ko.”
“Hahahahah, ang suplada mo padin . Hindi mo na nga ako naaalala. Vincent nga pala.”
Napanganga ako saglit at gusto kong manliit dahil parang hindi ko ineexpect na makikita ko pa pala tong taong to sa hinaba haba ng panahon. Si Vincent .Si Vincent del Campo ay bestfriend ni Kennedy at naging close din kami dahil madalas syang sumama noon kapag may lakad kami ,kumbaga sya ang Chaperon , chaperon in terms of tiga-ubos ng pagkain , tiga bili ng ticket sa sinehan at ang abogado naming dalawa ni kennedy tuwing aabsent kami sa klase . J
“Kutong-lupa? Ikaw ba talaga yan ?” paniniguro ko.
Napabunghalit ito sa tawa. Kutong lupa kasi tawag ko sa kanya nung nasa highschool pa lamang kami .Sobrang payat nito at parang konting hangin lang ay tutumba na ito. At madalas akong tawagin nitong Dakila. Dakila kung mag-utos.
“Dapat pala tinawag kitang dakila kanina , para naalala mo ako kaagad . Ang laki na talaga ng pinagbago mo parang kailan lang nung chubilita ka. Tapos wala nadin yung mala-rapunzel mong buhok.”. Sabi nito habang nakangiti parin. Sabi na nga ba e, tama yung description ko nung una na babaero ito , Secret lang naming dalawa yon at tanging kaming dalawa lang ang nakakaalam na matinik sya sa chics. Hahahahahahaha .
“Ah, para maiba naman .” maikli kong tugon.
“Sya pala napansin kong titig na titig ka sa damit na hawak mo , bibilhin mo ba yan ? San ka nyan pagkatapos ? Ayain sana kitang lumabas , kain tayo .”
Hindi ako nakasagot . Bakit parang biglang nag-aaya ito ngayon? Sa bagay mabait ito. Subok na subok ko na ang ugali nito. Kung sasama ako ngayon sakanya , hindi ba ang awkward lang ? Bestfriend sya ng taong nanloko at nang iwan sa akin ,pero naging mabuti ko rin syang kaibigan . Nakakalito lang.
”Dakila ,ngayon lang ulit tayo nagkita kaya wag mo akong tatanggihan .”
“Uhmn, wala ka bang kasama ?” nalilitong tanong ko.
“Mag-aaya ba ako kung meron? Saka ngayon lang ulit tayo nagkita , sige na parang di naman tayo magkakilala nyan. Wala ka bang tiwala?” ang daming tanong nito.
Sa bagay may point naman sya , ngayon lang to at hindi na to mauulit ulit. “ Sige ,pero teka muna babayaran ko lang to sa cashier.”
“Wag na.”
“Ha? Mukha lang akong masama pero hindi ako magnanakaw no.” Ngumiti lang ito .Ha? Ang mga lalaki talaga ang hirap basahin , kinuha nya ang damit na hawak ko at lumapit sa may cashier sabay kuha ng paperbag at saka ipinaloob don yung damit. Inaabot nito sa akin yung paper bag pero ayaw kong kunin.
Tinuturo nito ang pangalan ng boutique “Basahin mo”. DC’s Boutique.
“DelCampo?”
“Yup. Kaya wag mo ng bayaran at please kunin mo na to. Kung hindi magtatampo ako sayo”.Makulit talaga tong lalaking to ,nakakahiya man , pero kinuha ko na.
“Sayo tong boutique na to?”
“Nagkakalami ka ng iniisip , “natatawa ito “Hindi ako gay ha. Baka isipin mong gay ako. Family business naming to. Tinulungan ko lang si ate kaya ako nandito . Ano kaba.”
“Wala akong sinabing gay ka no. Grabe ka parin mag-isip. Hahahahaha “ ,natawa ako sa sinabi nito.
“Okay sige na tara na baka mahuli pa tayo. Kapag nagkita tayo ulit , yan ang suotin mo ha? Im sure babagay yan sayo."
“Thanks .” yun na lamang ang nasabi ko at lumabas na kami sa boutique. Pinagbuksan nya pa ako ng pinto ng kotse nya. Naalala ko tuloy si Kennedy . Alam na kaya ni Vincent na nasa Pilipinas na ang brother’s in crime nya? Ano bang nangyayari sakin ngayon. Bakit nakikita ko yung mga taong nakakapagpapaalala sa kanya and worst , nagkita kami ng taong pinaka-iinisan ko sa mundong ito . Si Kennedy.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
BINABASA MO ANG
A Night to Remember
Fiksi RemajaBakit ba kailangan pang magtagpo ulit ang landas ng dalawang tao? Iiwan ka tapos babalik din sayo. Magmamakaawa syang tanggapin mo sya at bigyan ng chance pero hindi ba nya naisip na hindi nya deserve ang second chance......? Kung ikaw ang nasa sit...