A Night to Remember

135 0 0
                                    

PROLOGUE

March 31, 2008

Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na 'to sa buhay ko . Graduate na ako at konting tiis nalang magkaka-lisensya na ako , alam kong natutuwa rin si Dy ngayon sa akin. Si Dy. Si Kennedy Martinez.

Anim na taon na kaming magkasintahan ni Dy. At sobrang mahal na mahal namin ang isat-isa. Sya ang first boyfriend ko at maging sya ay first girlfriend nya rin ako.

Nandito kami ngayon sa isa naming mansion ,kung saan ipinagdiriwang ang graduation party ko. Nung nakaraang biyernes lang ginanap ang graduation ni Dy at buti nalang ay nakapunta sya ngayon kasama ang pamilya ko at mga malalapit na kaibigan nila Daddy at Mommy. At kahit na gabi na ay marami paring bisita at natutuwa akong makita silang lahat na nag-eenjoy sa party .

"Mash! Congratulations!!! Im so proud of you ." si Dy habang tumatakbo palapit sa akin.

"Thank you Pot! Ang saya ko ngayon ! Buti nakapunta ka " . Hinigpitan ko ang pagkakayakap kay Dy at ganun din ito sa akin. Bigla syang kumawala at kinuha ang mic sa emcee.

Naguguluhan ako kay Dy sa inaakto nito at tahimik lang ako habang pinapanuod kung ano ang susunod nyang gagawin. Nasa garden kaming dalawa at hinila ako nito papunta sa gitna ng mga nagkukumpulang tao sa party at saka nagsalita.....

"Goodevening ladies and gentlemen...." panimula ni Dy at naagaw nya ang pansin ng lahat ng taong nandoon.

"Tito ,tita ....alam ko pong masyado pang maaga para sa inyo . Pero gusto ko po sanang hingin ang kamay ng anak nyo." Napanganga ako sa sobrang gulat at gulong gulo ako dahil hindi ako makapaniwala sa ginagawa ni Dy .Nakita ko pa si Daddy na akmang lalapit sa amin pero napigilan naman ito kaagad ni Mommy para huminahon.

"Sapat na po yung mga taon na napagdaanan namin para harapin naming dalawa lahat ng darating pang pagsubok. Sana po ay i-bless nyo kaming dalawa. Mahal po naming ang isat-isa." .

Dirediretso parin si Dy sa pagsasalita habang ako parang naestatwa , hindi dahil sa ikinakahiya ko sya kundi halo- halong emosyon yung nararamdaman ko ngayon. Parang hindi ako makapaniwala at di ko lubos maisip kung totoo ba to ? o nananaginip lang ako? Mas lalo ko pang ikinagulat nang bigla itong lumuhod at may kinukuha umano sa kanyang bulsa. Tumambad sakin ang isang maliit na box at binuksan nya ito nang dahan-dahan ,hanggang sa tanungin ako ni Dy.

"Will you marry me?" Naiiyak ako at narinig ko pa ang sabay sabay na sigawan ng mga tao ng "Yes". Lumingon ako sa direksyon nila Mommy at Daddy, nakangiti silang dalawa sa akin at pati sila ay di napigilang maiyak . Ibig sabihin nito pumapayag sila .????

"YESSSSSS". Sagot ko kay Dy. Isinuot nya ang singsing sa daliri ko at niyakap nya ako pagkatayo nya. Kitang kita ko ang saya sa mga mata ni Dy at maging ang mga taong nasa paligid namin

"YOU ARE MY PERSONAL PROPERTY NOW". ang tanging nasabi ni Dy sa akin .

A Night to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon