“Masarap ba?” , tanong ni Vincent sakin habang abala naman ako sa pag-nguya ko sa lobster .
Nandito kami ngayon sa restaurant . At gutom na gutom na kami ng makarating kami dito. Traffic kasi at halos isang oras din ang binyahe naming dalawa. Bago pa kasi kami dumiretso dito ay may dinaanan pa ito sa office kung saan sya nagtatrabaho. Engineer din ito katulad ng kaibigan nya, Mechanical Engineer nga lang at Civil Engineering naman si Kennedy.Madaldal sya kaya hindi ako inantok dahil buong byahe naming ay nagkwento lamang ito ng nag kwento .
Kaya siguro naubos ang energy nito at halos pang waluhang tao yung inorder nya. Hindi ako magtataka kung bakit matalino ito , mahilig sa Seafoods, gusto ko din kumain ng seafoods kaso madalang lang ako magluto at yung madadali lang lutuhin ang kaya ko, tulad ng prito at laga. Saka nandyan naman si Rein eh . \_(ᶸ-ᶸ)_/
“Oo, ang sarap ,siguro pagsisisihan ko pag di ako sumama sayo kanina. Pero ang dami mong inorder . Pano natin kakainin lahat ng to?” tanong ko sakanya habang inuubos ko ang pagkain ko sa plato ko.
“Nakakamiss kasi yung ganito. Minsan lang din ako kumain sa buffet. Kaya dapat tulungan mo akong ubusin lahat ng to. Kung hindi masasayang lang yan at itapon pa ng mga waiters dito.At baka sakaling magkalaman ka naman.” Nakakatuwang isipin na marunong syang magpahalaga ng mga pagkain at mga simpleng bagay. Galing kasi ito sa mahirap na pamilya kaya naman di ko sya masisisi kung manghinayang sya kapag di naubos ang mga pagkaing inorder nya.
“Nako , sobrang payat ko ba? Kumakain naman ako pero sige susubukan kong tulungan kang kumain . Pero dadahan-dahanin ko lang baka mabundat naman ako kapag dinamihan ko.”
Kapag ito ang kausap mo , parang feel at home ka palagi . Yung hindi mo mafe-feel na out of place ka .
“Oo ang payat mo nga eh . Sino bang boyfriend mo at ng makatikim sakin. Pinapabayaan ka nyang di kumain.” ,sabi nito pagkatapos uminom ng wine.
Natahimik ako at siguro nakita nito na nag-blush ako . Naramdaman ko ding uminit ang mga pisngi ko. Ano ba yan.
“Wala akong boyfriend kaya wala kang mapapatikman nyang nanggagalaiti mong muscles.” Pag-amin ko.
“Ha? Sa ganda mong yan wala kang boyfriend?” Halos mapanganga ito . Hindi naniniwala.
“Kumain na nga tayo , bolero ka parin hanggang ngayon no?” Pag-iiba ko. Kumain ako ng kumain para mapuno yung bibig ko at ng hindi na sya mag-abala pang magtanong.
“Hindi ako nambobola . Kilala mo ako , tong mukhang to magsisinungaling? You’re wrong”.
Hindi ko na lamang pinansin ang sinasabi nya. Kumain nalang ako ng kumain.
“Ang sarap pala ng blue marlin”.
“Ang sarap ng Sugpo”.
“Wow ,ang galing naman ng chef dito. Fresh siguro lahat ng mga seafoods kaya ganito kasarap.”
“Sansan , Im sorry.”
“Ha? Sorry for what?” kunwari wala akong alam.
“Ex mo yung bestfriend ko. At pinapasok ko yung mga ganong topic. Look , hindi ko gustong ipamukha sayo na------------“
“Okay lang. Wag kang magsorry ,matagal na yon. Ikain mo nalang yan.”
Natahimik ito at mukha namang naiintindihan nya ang dahilan kung bakit ayaw kong pag-usapan yung mga ganong bagay. Pero nagkamali ako.
“Sabi mo nga matagal na yon, pano kung sabihin ko sayong nandito sya ngayon at gusto nyang makipagbalikan sayo?” hindi ako nakaimik. Umiwas ako ng tingin sabay inom ng pineapple juice.
“Kaya mo ba ako inayang lumabas ? I’ll tell you honestly , matagal na nga yon but It doesn’t mean na napatawad ko na sya. Vincent kung gusto mong maging okay tayo , itigil mo na yang pagtatanong mo. “ medyo tumataas na ang boses ko.
“ Im sorry pero alam nyang magkasama tayo ngayon. Mula ng magkahiwalay kayo madalas ka nyang itanong sa akin , hindi ko sya sinasagot sa mga tawag or chat nya . Galit ako sa kanya dahil iniwan ka nya without telling you his reasons kung bakit sya umalis. Pero kaibigan ko si Ken kaya iniintindi ko sya . And now Im helping him para maayos nya yung nagawa nyang pagkakamali sayo.”
“Okay. Thank you sa foods.Gotta go.” Yun lang ang nasabi ko at mabilis akong tumayo at saka nagwalk out.
“Wait ! Sansan ,hintayin mo ako.” Nilingon ko ito at nakita ko pang tumatawag sya ng waiter at sumesenyas sya para bayaran yung inorder nyang pagkain.
Nagmamadali akong maglakad hanggang sa narinig ko si Vincent na tinatawag ang pangalan ko.Binilisan ko pa hanggang sa tumatakbo na ako . Bigla akong nakaramdam ng kati sa aking katawan. Nako po, umeepekto na yung mga kinain kong seafoods kanina . May allergy kasi ako sa seafoods .
Narinig ko pa si Vincent na sumisigaw ng ‘tigil’ pero di ko pinansin.Hindi ko na napigil ang maiyak . Bakit ba kailangang tanungin nya yung mga ganong bagay? Hindi ko napansin na may sasakyan palang parating . . At paglingon ko ay nasilaw ako sa ilaw nito , at hindi ko na naihakbang pa ang mga paa ko sa sobrang pagkagulat.
Kennedy ‘Dy’ Martinez POV
Shiiiiiiiiiiiiiit buti nalang nakapagpreno ako kaagad. Kung hindi , wala pa akong isang buwan dito sa Pilipinas ay may napatay na akong tao. Kung bakit ba naman kasi hindi tumitingin sa dinadaanan yung babaeng yon. Gusto yatang magpakamatay nandadamay pa ng ibang tao. Tsssssssss.
Hinihintay kong tumayo yung babae pero hindi padin ito tumatayo. Malelate na ako sa agenda namin ni Vincent , baka mainip ito at baka tapos nadin silang kumain ni Sandy.
Bumubusina ako ng biglang may lalaking lumapit sa kotse ko at kinakalampag iyon. Tinutulungan nito ang babaeng tatawid kanina. Hindi ako nakikita sa labas dahil tinted ang kotse ko . Nagulat nalang ako ng mamukhaan ko kung sino yung lalaki.
Lumabas ako sa kotse at saka lumapit. “ Vincent? Brad? Sino yan? Akala ko ba kasama mo si Sandy?”
“Nyeta, ikaw pala yan. Ano kaba ? Tulungan mo nga ako dito! Ang dami mong tanong! Dalhin natin sya sa hospital , na shock ata sya akala nya bubungguin mo sya.”
“What? Sya nga tong tatanga-tanga na----------------Sandy?” Nagulat ako ng biglang hawiin ni Vincent yung buhok ng babaing sinasabi ko. Maiksi ang buhok nito pero ang haba ng bangs.
Tinulungan ko si Vincent at halos ako na ang nagbuhat kay Sandy . Napaka payat nito . Parang kasing bigat nya lang yung kalahating sako ng bigas. Nagdrive ako agad at sumakay naman si Vincent habang nakaalalay sya kay Sandy .Doon ko lang napansin na iba ang kutis nito ng napatingin ako sa may rear-view mirror.
“Brad , ano bang inorder nyong pagkain?” tanong ko habang nagdadrive.
“Bilisan mo na dyan , bakit ? nagugutom kaba?” siraulo talaga tong kaibigan kong to.
“Namumula kasi sya oh!”
“Baka sa sobrang shock, pero nakadami kasi sya ng kain eh . Puro seafoods yung inorder ko .”
Sabi ko na nga ba. SEAFOODS. Hindi sya pwedeng kumain ng seafoods. Papanget sya panigurado. Halos lumipad na kami sa bilis ng patakbo ko at pagdating namin sa hospital ay agad-agad namang inasikaso si Sandy.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
![](https://img.wattpad.com/cover/18808398-288-k441968.jpg)
BINABASA MO ANG
A Night to Remember
Teen FictionBakit ba kailangan pang magtagpo ulit ang landas ng dalawang tao? Iiwan ka tapos babalik din sayo. Magmamakaawa syang tanggapin mo sya at bigyan ng chance pero hindi ba nya naisip na hindi nya deserve ang second chance......? Kung ikaw ang nasa sit...