Wala parin ako sa katinuan . Bakit ba bumabalik yung alaala kahapon ? Nakauwi na ako sa amin , dahil narin sa hiling ko kay Kennedy. Pumayag ito kahit na alam kong ayaw nya akong umalis. Hinatid ako ng isa nitong drayber hanggang dito sa Maynila. Nagulat ako kahapon ng malaman ko at mabasa ko sa mga karatula na nasa Tagaytay pala kami. (-__-)
Batid ko ang lungkot sa mga mata nya pero hindi dapat ako maaawa sa isat kalahating diablong katulad nya. Wala parin si Rein kaya mag-isa lang ako ngayon dito sa bahay. Hindi ako makatulog dahil narin sa nangyari kahapon. Paano ba naman ? HInalikan ako ng manyakis na yon. Kulang nalang ipaalis ko ang memorya ko para makalimutan ko nadin sya . Pero , kahit ilang oras na ang lumipas ay parang nararamdaman kong magkalapat parin ang mga labi namin. Grrrrrrrr. Paranoid.
Tumayo na ako sa may hinihigaan ko at bumaba na . Nakakagutom rin palang mag-isip lalo na kung hindi ka makatulog dahil lang sa isang taong wala namang kakwenta-kwenta . Deym.
Nagsasalin ako ng mainit na tubig sa tasa ng biglang may mag-doorbell. Pinagbuksan ko ito at may lalaking nakatayo sa may labas ng pinto .
"Goodmorning maam". bati nito
"Goodmorning din. Anong kailangan mo?" pagtataray ko, mukha namang natakot ito dahil narin sa paggalaw ng mga mata nito .
"May nagpapabigay lang po." NAGTATAKA ako dahil wala naman itong inaabot pero may ibibgay daw? Bigla itong sumipol at nagulat nalang ako ng biglang pumasok ang mga kasamahan nitong lalake sa loob ng bahay. May mga dala- dala itong mga rosas. Blue Rose.
"Oooopss ! Hoy Tigilan nyo yan kung hindi malilintikan kayo sa akin!!!". sigaw ko pero mukhang walang pinapakinggan itong mga damuhong ito. Aba'y kakakidnap ko lang kahapon tapos ngayon may mga kalalakihang pumapasok sa bahay ko!!!!!!!!!!!!!!!!!! Aba'y Matindeeee!!!
"Hoy gorilya! Sinong nagpapabigay nyan ha??" tanong ko sa unang lalaking nakipag-usap sakin kanina.Abay lintek.
"Maam ,trabaho lang po walang personalan." sabi nito sabay nagbuhat na ng mga bulaklak.
"Aba ,wag kang tatalikod kinakausap pa kita!!! Walang personalan??? eh , pinepersonal nyo nga ako eh!!!!" nakakapanggalaitiiiiii......
"Maam , ang sweet nga po ng boyfriend nyo. Magbati na po kayo".
Nasapo ko ang aking ulo! Sinong may sabing may boyfriend ako! At magaling , tinuturuan pa ako nito sa gagawin kong desisyon!!! Ahhhhhhhhhhhhhh!!! "Tapos na ba ? Umalis na kayo!" Mukhang wala ng ipapasok ang mga ito kaya lumapit yung isang nakausap ko kanina.
"Maam pumirma na po kayo, pasensya na po talaga". NIlapit nito sa akin ang notebook nito at inabot ang ballpen."Aba may magagawa pa ba ako? Naipasok nyo na ngang lahat eh... Tsssssk" ,pumirma ako sa may notebook nito ng " HAYOP KA".
"Maam pumirma na po kayo ng maayos".
"Umalis ka na kung ayaw mong barilin kita." pananakot ko. Syempre pa, wala akong baril no.
"S-sige po mam. Tara na boys!"
Sa wakas wala na din ang mga ito. Nakakabad-vibes naman . Ay, nako po nakalimutan kong tanungin kung sinong nagpapabigay ng mga bulaklak nto. Sa bagay bakit ko pa ba kailangang tanungin. Iisang tao lang naman ang nakakaalam kung anong bulaklak ang gusto ko...!
Si Mr. Half Demon Kennedy Martinez!!!! Hinahigh-blood talaga ako pag yung lalaking yon ang pinag-uusapan! Abaaaaaaaaaaaa!!!
"Okay ,anong gagawin ko ngayon sa mga bulaklak nato?"Ang sarap tignan Sandara pero kung galing lang din naman sa lalaking yon buti pa'y itapon mo nalang!" nagmamaktol na naman akong mag-isa! Nakakasira ng mood! Nakaka-inissssss.
"Humanda ka Kennedy! Ginawa mong flower vase yung bahay ko!!!!!! Arghhh, Tignan mo lang."
Maliligo nalang ako , baka sakaling guminhawa naman ang pakiramdam ko . Kahit minsan lang,.... kahit isang araw lang maging masaya yung buhay ko! Nako , patay ka talaga sakin Half Demon!

BINABASA MO ANG
A Night to Remember
Novela JuvenilBakit ba kailangan pang magtagpo ulit ang landas ng dalawang tao? Iiwan ka tapos babalik din sayo. Magmamakaawa syang tanggapin mo sya at bigyan ng chance pero hindi ba nya naisip na hindi nya deserve ang second chance......? Kung ikaw ang nasa sit...