Chapter 5 (Revised)

18.6K 266 35
                                    

Trixie's PoV

I open my eyes, I'm already in my room. I check my self and look at my left leg, kung saan ako nasugatan, thankfully ay may band aid na yun. I sit on my bed at kinuhayung phone ko. iba narin yung damit ko at nakasuot na ako ng pj's. 5:00 am na pala. Ang haba naman ng tulog ko ng hinimatay ako.

Tumayo na ako ng kama ko at nag stretching ng kunti. Ngayon yung enrollment dun sa School ko kaya naman pupunta kami dun ni Joyce, para narin makapagpa-enroll na kami. Sinabi ko rin kasi sa kanya na pag-uwi namin ay ililibot ko siya dun sa school na pagmamay-ari ko. bumaba ako ng kwarto ko at dumiretso sa kitchen. Wala dun si Kuya maski si Joyce.

"Manang Hot choco nga. Paki hatid nalang dun sa sala." Sabi ko at pumunta ng sala at binuksan yung Tv. Tulog pa siguro si Joyce. maaga pa kasi masyado kaya siguro ay tulog pa talaga siya. mag- jogging muna kaya ako? Ay tama! Hindi narin ako nakakapag work-out this past few days at puro kain lang ang ginagawa ko, baka mamaya hindi ko mamalayan ay mataba na pala ko. umakyat uli ako at nagpalit ng damit. Kinuha ko rin yung cellphone at earphone ko.Nag-jogging lang ako sa halos buong village habang may naka salpak na earphone sa dalawa kong Tenga.

After the cold winter ends. Until spring spring decides to come again, until flowers they bloom again. Please stay where you are, and wait for me. Please wait for me.

Nang pinagpawisan na ko ay nagpasya na muna akong magpahinga. Kanina pa ko nakakaramdam ng kakaiba. Parang may nagmamasid sakin. But I keep on ignoring them. Yes, marami sila. Binuksan ko yung dala kong mineral water at inimon. I look at my watch, it's already 7:00 am in the morning. Pero kakaunti palang yung mga sasakyan at tao na dumadaan dito. Inilibot ko yung paningin ko pero wala akong makitang taong nakatingin sa'kin bukod dun sa babaeng kasama yung anak niya. Sino ba yung mga taong yun?

Naisipan ko ng mag jog uli at bumalik na bahay namin ng may isang itim na kotse na huminto sa harap ko at iniluwa non ang isang galit na galit na plastic, ay este si Betina pala.

"Oh, parang ang aga mo naman yatang maghasik ng kaplastikan mo?" sabi ko at binigyan siya ng nakakalokong ngiti. Ngayon palang pala kami nagkaroon ng chance na makapag usap simula ng dumating ako sa Pilipinas.

"Ang kapal din naman ng pagmumukha mo para makangiti ka ng ganyan! Demonyita ka talaga!" Ano? Ako makapal mukha? Ako Demonyita? Teka parang yung sarili niya yung dini- describe niya!

"What are you talking about?" at tinaas ko yung isa kong kilay.

"how dare you! Nagmamaang-maangan ka pa! you're the reason why My Tyler is in the hospital right now!" Nagulat ako sa sinabi niya. her Tyler? So sila pala nung Pervs na'yun? Kaya pala halos patayin niya ako ng tingin nung isinasayaw ako nung Tyler na'yun. Pero teka, Nasa hospital siya ng Dahil sakin? Sa sobrang pag-iisip ko kung bakit nasa Hospital yung Tyler na yun ay hindi ko namalayan na sasampalin na pala ako ni Betina. Sa sobrang shock ko ay ipinikit ko nalang ang mga mata ko. hinintay ko na mag land ang rough hand ni Betina sa'kin, pero wala. Ang tagal naman ah. Binuksan ko yung mga mata ko at nagulat sa nakita. May isang lalaking nakahawak sa kamay ni Betina habang yung isa ay may tinutok na baril sa kanya!

"S-Sino K-kayo? Bitiwan niyo ko!" aniya at bakas na bakas sakanya ang takot. maging ako rin ay nakaramdam ng takot, Sino namang hindi? Out of nowhere ay may lalabas na Dalawang Lalaki na hindi mo naman kilala na tututukan yung no# 1 enemy mo ng baril Hindi ka kaya matakot non?

"You know what? I can kill you right now and right on this place." Ani ng lalaking tinututukan si Betina ng Baril. Pinagmasdan ko siya, Siguro ay nasa 20's na siya base sa itsura niya and he looks handsome. Gusto ko rin sanang tignan yung isa pang lalaki kaso, nakatalikod siya sakin.

"A-ano bang ginawa ko sa inyo?" Sabi ni Betina. kung ibang pagkakataon lang to ay tawa na ko ng tawa at kinuhaan ko narin siya ng Picture pang snapchat!

"Sinubukan mo lang namang saktan Ang Prinsesa Amo namin. Alam mo bang hindi mo gugustuhing malaman ng Boss namin na muntik mo ng sampalin ang Prinsesa niya? Hindi ko ma-imagine kung ano ang gagawin niya sa'yo kapag nalaman niya yun." Sabi naman ng isa pang lalaki. Ako Prinsesa ng Amo nila? Teka, Sino naman Yun?

"magpasalamat ka at ayaw naming makita ni Miss Trixie yung gagawin naming sa'yo kaya nagpasya kaming palampasin nalang muna yun, pero sa susunod na may gawin ka pa sakanya ay hindi na kami mag-iisip pa at papatayin ka na namin." Dugtong niya pa. naguguluhan parin ako sa mga nangyayari.

"Come on, Let's Go." Sabi naman nung lalaking tinututukan si Betina ng Baril. Tinago niya na yun at tumitig sa'kin.

"see you next time, Miss Trixie!" sabi naman ng lalaking nakaharang at lumingon din sa'kin. Kambal sila? Kaya pala medyo magkapareho yung boses nila. Hindi ko tinugon yung sinabi niya dahil hindi ko parin alam yung nangyayari. Nag-umpisa na siyang maglakad, pero yung kakambal niya na may hawak ng baril ay nakatitig parin sakin, ginantihan ko rin siya ng titig. Lumapit siya sa'kin at may ibinulong.

"we're watching you 24/7 and everywhere you are." Aniya at sumunod na sa kakambal niya. nilingon ko si Betina at para siyang may sayad dun. Agad din siyang nakabawi sa pagkakabigla at tumingin ng masama sakin.

"Humanda ka sa susunod, Trixie!" aniya at dali-daling pumasok sa kotse niya at pinaandar yun, muntik pa niyang mabangga yung poste sa sobrang pagmamadali niya.

Nag jogging narin ako pabalik ng bahay naming. Ang dami tuloy gumugulo ngayon sa utak ko. Bakit naman nasa hospital si Tyler? Ang alam ko kagabi ay tinulungan niya pa nga akong makaalis sa pagkaka trapped ko dun sa bakal eh, Atchaka bakit ako yung sinisisi ni Betina? at sino naman yung kambal na'yun? Atchaka Prinsesa daw ako ng Boss nila?

Tinigil ko ang pag-iisip ng natanaw ko na ang malaking bahay namin. Iniisip ko kung bakit kailan ng malaking bahay kung kunti lang naman kayo sa bahay. Pumasok na ako at agad akong sinalubong ng maid namin.

"Ma'am hinahanap na po kayo ng Kuya niyo." Tumango lang ako sa kanya at dumiretso na sa Dining room. Naabutan ko si Kuya at Joyce na kumakain. Ang loka kong bestfriend panay ang silay sa kuya ko. umupo ako katabi ni Joyce at nalagay na ng pagkain sa plate ko. nakakagutom yung nangyari sakin ngayon ah.

"where have you been?" tanong sakin ni kuya Sian. Sabihin ko kaya sa kanya yung nangyari kanina? Nah! Wag na. siguradong mag-aalala lang siya.

"jogging." Maiksi kong tugon at pinagpatuloy yung pagkain. Gusto ko sanang makipag kwentuhan kay Joyce kaso baka pagalitan ako ni Kuya kaya wag nalang. Ng matapos kaming kumain ay umalis na si kuya para pumasok, agad akong hinila ni Joyce papunta sa kwarto ko.

"Oh Bakit?" Tanong ko at pumasok sa kwarto ko kung saan nandon yung closet ko. sumunod naman siya sakin. Kumuha ako ng Damit sa closet at nagpalit sa harap niya. well, Okay lang naman yun 'coz we're both girls and she's my bestfriend.

"binugbog ng Kuya mo yung lalaking may buhat sayo nung nahimatay ka kagabi." WHAT? So totoo nga yung sinabi ni Betina?

"W-why? Bakit binugbog ni kuya si Per- I mean, Tyler?" Kasalanan ko bakung bakit siya binugbog ni kuya Sian?

XxxLourdemariesilocxxx

Nakapag update din sa wakas 😂Comment?

TFU: Tyler Wayne HardeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon