"Anak, behave ka ron kila grandmom and don't forget to brush your teeth okay" Bilin ko sa anak ko. Papunta na kasi kami ngayon sa bahay ng byenan ko. Pero siyempre hindi ako sasama ron. Sasabay lang ako hanggang sakayan ng jeep. Hehehe
"Yes mom. Are you sure ayaw mo po sumama?" tanong naman niya
Napatingin ako bigla sa rearview mirror. Nakita kong nakatingin ng masama si Duan sa akin. Alam ko na yun. Sus! Kahit naman hindi niya ako tignan ng ganun hindi ako sasama e.
"Anak I'd love to kaya lang po busy si mama diba?" sabi ko nalang sa kanya. Naaawa ako sa anak ko. Ayaw kong nakikita siyang malungkot.
"Promise anak kapag may time si mama sasama ako sa inyo minsan okay? Smile na baby ko wag na sad. Tignan ko nga ang smile ng baby ko." - ako
Agad naman siyang ngumiti. Ang gwapo gwapo talaga ng anak ko oo! Niyakap ko siya at hinalikan sa ulo. Mamimiss ko ang anak ko. (Akala mo naman ang tagal mawawala hahaha) Ganun lang ang pwesto namin hanggang nakatulog na siya. Sobra sigurong napagod.
"Andito na, bumaba ka na. Ako na bahala kay Caleb." sabi bigla ng walang modo niyang ama. Inayos ko muna yung higa niya sa likod bago ako bumaba. "and please next time wear something decent kapag kasama mo ako. Nakakahiya e." Pagkababa ko agad na pinaandar ni Duan yung kotse. Walang modo talaga. Ano namang masama sa suot ko? Sabi niya kasi sa beach daw pupunta e! Hay ewan!
Dahil sa ayaw ko pa naman umuwi at wala akong trabaho ngayon e naisipan kong puntahan yung shop ng napakagaganda kong kaibigan kagaya ko.. (wala na kokontra!) hahaha
"O ano na namang masamang hangin ang nagdala sa'yo rito babae?" yan agad ang salubong sa akin ni Nanette. Isa sa mga may-ari.
"E malamang paa niya te." Ayan naman si Michaela pero Mikang ang nakasanayan naming itawag sakanya.
Pagmamay-ari nila ang isa sa mga sikat na botique dito. Ang "Envy Me" boutique. Ang taray ng pangalan ano? Trip lang nila yun kaya yun ang pinangalan. Magkakaklase kami nung college. Bale hindi talaga ito yung trabaho nila. Past time lang nila to kasi may sari sarili pa rin silang trabaho.
"Wala lang mga girlaloo, wala kasi si Caleb. Kinuha ng ama niya." sagot ko naman
"HUWAAAAAAT! Kinuha na ni Duan si Caleb?"
Nagulat kami sa sigaw ni Nanette. Napaka OA talaga! Sabay pa kami napatakip ng tenga ni Mikang.
"Gurl relax. Hiniram lang okay! Ibabalik din kaya huwag ka magpanic." natatawa tawa kong sabi sakanya.
"Akala ko naman kasi gurl kinuha na. Nako ipaglalaban ko ang inaanak ko! KUUUU ikaw naman kasi gurl, pumapayag kang ginaganun ka ng asawa mo! Kuuuu kung ako yun ay nako supalpal siya sa akin." sabi niya habang nakairap pa. Kahit kailan tong babaeng to napakabrutal e.
"Ambisiyosa ka te? E hindi niya naman asawa yun e. Naanakan lang kaya siya! Heleeer!" Ayun! si Mikang na ang sumagot sa kanya. Kahit kailan napakatalim ng dila nito e. HAHAHAHA!