“Talaga bang may balak kang pumunta sa dagat ngayon?” tanong ko sa kanya pagkarating namin.
“Umm. Wala naman. Why?”
“Talaga? Kasi ready ka e. May dala ka pang picnic set.”
“Ah. Lagi kong dala yan sa kotse ko. Para kapag trip ko diba? Katulad ngayon.” Sabi niya. Wow boyscout ang lolo mo. Hahaha
“Nakikita mo ba yang dalawang bundok na yan?” sabay turo niya sa bundok sa harap namin.
“May kuwentong magkapatid daw yang dalawa na yan. Close raw yang dalawa na yan pero dahil sa isang babae nagkaron sila ng hidwaan. Simula ng mag-away sila, naging magulo na rin sa bayan nila. Nagalit ang mga magulang nila na naging sanhi ng pagkamatay. Simula noon, hindi na nag-usap yung dalawa. Kaya kita mo, anyong magkatalikuran yung dalawang bundok.” Kuwento niya. Ako naman inaantok na kaya sumandal muna ako sa kanya. HAHAHAHA
“Mara, wake up.” Sarap ng tulog ko. Ganda ng panaginip ko.
“Mara.” May yumuyugyog sa akin
“Ummm?”
“Mara, nasa bahay na tayo. Gumising ka na.” Kaya naman unti unti ako nagmulat.
“DUAN?!!!!” sigaw ko.
“Why? Bakit ka ba sumisigaw?” tanong niya.
“Bakit? Anong araw ngayon?” tanong kong naguguluhan.
“Anong bakit? Today is Sunday.” Sagot niya. Nakakunot parin noo niya.
“Bakit ikaw kasama ko? Nagsimba ba ako kanina?”
“Nagsimba tayo kanina. Ano ba naalimpungatan ka ba? Anong oras ka na kasi natutulog e. Pati tuloy sa simbahan natutulog ka.”
Sinampal sampal ko naman yung sarili ko. Panaginip lang ba talaga yun? Parang totoo?
“Bumaba ka na. Kanina pa tayo andito sa tapat ng bahay.” Utos niya sa akin. Medyo naiinis na rin siya. Kaya naman ako’y bumaba na.
“Duan, hindi ka na ba galit sa akin?”
“Bakit ako magagalit?” tanong niya
Naguguluhan na naman ako.
“Yung nangyari sa atin nung isang. .”
“Kalimutan mo na yun. Ang intindihin mo ngayon e yung anak mo. Huwag mong hayaang lumaki pa ang tampo sa’yo nun.” Sabi niya sabay nauna na siyang pumasok sa bahay.
Hinanap ko kaagad yung anak ko. Nakita ko siya sa may garden.
“Caleb, anak.” Tawag ko sakanya
“Why po?” tanong niya pero yung attention niya nasa nilalaro niya. Nilapitan ko siya
“Anak, I’m very sorry. Please? Patawarin mo na si Mommy oh?”
“Anak..” Hahawakan ko na sana siya kaya lang umiwas siya
“Mommy, mas importante ba siya kaysa sa amin? Mas mahal mo na ba siya?”
“Sino anak? Hindi kita maintindihan.”
“Nevermind po. Pasok lang po ako.” Sinundan ko nalang siya ng tingin. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa mga tao sa paligid ko. Naguguluhan narin ako.
DUAN’s
I saw her crying. Wala naman akong magawa.
MARA’s
1 Message Received
From: Nanette
Gurl. Do me a favor na please! Pumayag ka na.