6

44 0 0
                                    

"Talaga Daddy! May three tickets ka para sa game ng Miami Heats dito?" - Caleb

"Yeah." matipid kong sagot.

Nawawalan ako ng gana kapag naalala ko yung babaeng 'yon. She's getting into my nerves! Gusto nila papa na dito na patirahin ang babaeng yun. Pwes, let's see. I'll make her life miserable. Tignan natin kung hanggang saan siya tatagal. She's really a pain in my ass. Bullshit!

FLASHBACK HIGH SCHOOL DAYS

“Pare, ayos ka lang? Tulala ka diyan. Kanina pa nakatingin sa’yo si Ma’am Pagad.” Kalabit sa akin ni Charlie. Ang best buddy ko since elementary.

“May iniisip lang, pre.” Maikli kong sagot sa kanya.

“Nag-away ba kayo ni Angel?” pabulong niya uling sabi

“Hindi pare. Pero naguguluhan na ako sa kanya. Hindi ko maexplain pre. Kuwento ko sayo mamaya baka matawag tayo.” Sabi ko nalang para hindi na niya ako daldalin.

“Sige, pre.”

FLASHBACK ENDS

"Daddy, are you okay?" tanong na naman sa akin ni Caleb

May naisip na akong plan. Napangiti nalang ako sa naisip ko.

"Anak, gusto mo ba dito na tumira si Mommy?" 

"Ofcourse, Dad!" masayang masayang sabi niya.

"Okay, papaasikaso ko na kay Manang Lorry at Mang Lakay yung mga gamit niya. Siguro makakamove na rito si Mommy by Monday." 

Welcome to hell, Marane.

 "Daddy, diba po three naman yung ticket mo? Baka po pwedeng kay mommy nalang yung isang slot! Please, dadddy?" pagmamakaawa sa akin ng anak ko.

Aayaw sana ko kasi ayaw ko masira ang araw ko lalo na't favorite team ko ang maglalaro. Pero sige, uumpisahan ko na ngayon ang laro.

 MARA's

1 Message Received

From: Duan

Meet me at the coffee shop now.

Huh? Ano namang drama ng lalaking yun at kailangan pa magkita?  Puwede niya namang ihatid nalang dito sa bahay si Caleb. 

 To: Duan

Puwede bang mamaya nalang? May kailangan kasi akong puntahan muna.

The KEY to your HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon