CHAPTER 8
Pagkarating ko sa bahay, nadatnan ko sa sala si Mara. Tinignan niya lang ako pero walang emosyong makikita sa mukha niya. The hell!
"Kailan ka pa dumating?" tanong ko sa kanya
"Isn't it obvious? Edi ngayon lang. Tss."
At siya pa ang may karapatang magtaray ngayon? Sa pamamahay pa namin mismo? Ang kapal talaga ng mukha!
"Bakit hindi mo ako sinabihan ha?"
"Kailangan pa ba yun? E ikaw mismo ang nagpaayos ng mga gamit ko tapos ngayong andito na ako, nagagalit ka? Ang gulo mo rin ano? Ilang beses ka bang iniri?"
WTF! NAKAKAGIGIL 'TONG BABAENG 'TO. Sasagot pa sana ako sa kanya kaya lang biglang dumating si Mommy.
"Hija, hindi ko yan iniri. Cesarean ako e. HAHAHA"
Ito naman si Mommy, nagawa pang sabihin yun. Tss. Girls!
"Oo nga pala anak, sa room mo muna matutulog si Mara ha? Innayos pa kasi yung guest room e."
"May magagawa pa ba ako ma? Excuse me lang po."
Bago pa ako makasapak ng babae, umalis na ako. Maninigarilyo muna ako. Hindi ko alam kung saan ko dadalhin 'tong galit ko. Hindi man lang tumingin sa akin kanina. Feel na feel ang bahay!
Marane's
Hindi ko alam kung anong plano niya pero pumayag na rin ako sa kagustuhan niya. Unang una ako ang makikinabang dito. Araw-araw ko siya makakasama. Diba? Sumasang ayon sa akin ang kalangitan. Pero hindi ko ipapakita sa kanyang magtatagumpay siya. Katulad kanina, halatang pikon na pikon siya. HAHAHAHAHA I guess all one na kami.
"Naku Mara, anak. Mabuti naman at pumayag ka ng dito tumira. May makakasama sama na ako." sabi ni mama. Napakabait talaga nitong tao na 'to. Ewan ko san nagmana yung bwisit niyang anak.
"Opo, mom. Lumalaki na rin kasi si Caleb. Dapat po talaga dalawa na kami ni Duan ang nag gaguide sa kanya. Tsaka dati pa naman po sinasabi sa akin ni mama yun, hindi lang talaga ako nakikinig." Sabi ko sa kanya.