CHAPTER 18
“Ha?” Para tuloy akong tanga kasi natulala ako sakanya.
“No. I mean. . .” sabi ko na nga ba nabibingi lang ako!
“I mean, marry me. That’s not a question, it’s a statement. Marry me, Mara.” Pagtuloy niya.
“Duan, ano ba? Huwag ka nga magjoke! Kalokohan mo.” Alam ko prank niya lang ‘to. Maloko kasi talaga ‘to e.
“I’m serious here. Marry me, Mara.” Sabi niya sabay abot nung kaliwang kamay ko at nilagay ron yung singsing. Shit!
“Ano ba, Duan! Wag mo nga ako biruin. Naiinis na ako!” naiiyak ko ng sabi. Pinapaasa niya kasi ako e. Pero nakatingin lang siya sa akin. Nakataas pa yung kilay niya.
“I’m not joking okay? Kahit hindi ka sumagot ng yes, papakasalan mo parin ako.” Sabay turo niya sa kamay kong may singsing. Bigla naman nagpalakpakan yung mga tao sa restaurant. Nagulat nalang ako. Hindi kasi ako aware na may mga audience na pala kami.
“You’re the man, dude!”
“Ganun dapat!”
“Kakaiba ‘to, pero sweet! Hahaha
“Mabilis!”
“Hahahahaha, sweet naman!”
“Kissss!”
Yan yung mga narinig kong sinigaw ng mga tao sa paligid. Napabalik naman ang tingin ko kay Duan at nakangiti lang siya habang tinutuloy yung pagkain. Napangiti nalang din ako.
“Kissss!”
Magrereact pa sana ako pero nagulat nalang ako ng walng sabing hinalikan ako ni Duan. Para akong teenager na nawalan ng first kiss! Grabe. Ano ba ‘to. Nakakahiya!