3

51 0 0
                                    

Mommy, wag mo po ako iwan! Please po!

Mommy, help me!

Mommy! Mommy! Bad guys sila! Mommy!

Mommmyyyy.

Nagising ako mula sa aking masamang panaginip. I can't breathe. Sobrang hirap ng ganitong pakiramdam. Hindi na ako nag alinlangan pa, tatawagan ko si Duan kahit pa alanganing oras na. I want to know kung kamusta na ang anak ko. It's been three days pero hindi niya pa rin binabalik si Caleb.

Nakaka apat na tawag na ako pero hindi niya parin sinasagot. LAST NA 'TO. Kapag hindi niya pa sinagot pupunta ako sa kanila. I want to hear my son. I want to know if he's okay.

Kring-Kriing-Kri...

"Fuck! What do you want? Do you have any idea kung anong oras pa lang!" bungad niya sa akin. 

"Sorry, Duan. I just want to hear our son's voice. Is he okay?" pinipigilan ko lang humikbi pero gusto ko na umiyak umpisa pa lang.

"He is perfectly fine. What the fuck is your problem? Tatawag ka ng ganitong oras para lang itanong yan? Ang laki-laki ng time kanina! Ano ba!"

alam ko sobra na siyang galit. Ayaw niyang naiistorbo siya bakit sino ba may gusto?

"Nanaginip kasi ako ng masama kaya gusto ko lang. . . . . "

"For Pete's sake, it's just a fucking nightmare!"  sigaw niya na naman sa akin

"Duan, I wanna see my son now. Please. I wanna hear his voice. Please, pagbigyan mo na ako. Hindi ako matatahimik kapag hindi ko siya nakita ngayon." pagmamakaawa ko sa kanya. 

PLEASE. PLEASE. PLEASE.

"Nakadrugs ka ba? Alas tres palang ng madaling araw tapos gusto mo gisingin ko ang anak ko para lang makita mo? Mag-isip ka nga!" 

sobsobsobsob. Hindi ko na napigilan yung sarili kong maiyak. Grabe naman kasi. Gusto ko lang naman icheck yung anak ko. Hindi mo maiaalis sa akin na mag-alala. Nanay ako.

"Hindi ko siya gigisingin para lang sa'yo. Kung gusto mo mamaya kapag gising niya pumunta ka rito para icheck mo siya. Pero NOT NOW."

sabi niya sabay baba. Wala na akong nagawa. Hindi narin ako makatulog kaya naman I decided na magbake nalang ng cake for my son. Mabuti nalang pala namili ako ng mga ingredients kanina. Akala ko kasi ihahatid na siya ni Duan. Dadaan ako ron bago ako pumasok sa trabaho. 

Alas sais palang pero andito na ako sa playground sa tapat ng bahay ni Duan. Isang subdivision to pero dahil kilala naman na ako ng guard e pinapasok niya na ako. Binigyan ko nga rin siya ng isang pirasong cupcake para panuhol. HAHAHAHA

"Mommy!"

Nakita kong palapit na tumatakbo papunta sa akin si Caleb. Ang cute ng anak ko, nakaPJ's pa. Sa likod niya ay yung tatay niya na nakatingin na naman sa akin ng masama. Ano namang bago. Hindi ko nalang siya pinansin. Basta ang mahalaga sa akin e yung anak ko.

The KEY to your HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon