CHAPTER 17
“Mara, what happened? Bakit nandito ka?” narinig ko na nagsasalita si Duan at ramdam kong nasa tabi ko siya pero wala akong lakas para sagutin siya ngayon.
“Mara, answer me!” At ngayon naman niyuyugyog niya ako. Nahihilo ako sa ginagawa niya. Humarap ako sa kanya pero hindi parin ako nagsasalita. Kusa nalang tumulo yung mga luha ko na ikinagulat niya.
“Maraa! Sshh Hush now. I’m here na. Wag ka na umiyak.” Pag-aalo niya sa akin.
“Du-a-ann.” Yumakap na ako sa kanya kasi hindi ko narin kaya. Mahigpit niya rin akong niyakap. Hindi na ako mahihiya dahil kailangan ko ngayon ng masasandalan.
“Duan, si mama kasi. May sakit siya sa puso tapos kailangan siya operahan para maging okay siya.”
“I’ll help you.” Bulong niya
“What do you mean?”
“Sabihin mo na sa doctor na operahan na si mama. Ako na bahala sa gastusin. At wag ka na tumanggi pa. I insist.”
“Duan.”
“Huwag ng makulit, okay? Mas mabuti pa ako na ang kakausap sa doctor. Hintayin mo nalang ulit ako rito.” Sabi niya sabay tayo. Hindi ko na rin siya pipigilan. Kapakanan ni mama ang nakasalalay rito.
DUAN’s
Nakita kong tumakbo palabas si Mara na parang wala sa sarili kaya naman nag-alala ako sa kanya. Agad ko siyang sinundan pero nakasakay na siya ng jeep. Sinundan ko nalang yung sinasakyan niya. Nagtaka ako kung bakit sa hospital siya sa bumaba. Anong nangyari? Sino ang nandito?
Pagkapasok ko, hindi ko na siya nakita kaya naglakad lakad nalang ako. May 30 minutes na yata akong naghahanap pero hindi ko pa rin siya makita. Hindi ko naman kasi alam kung sino ang nandito kaya hindi ako makapagtanong sa nurse station. Hanggang sa nakita ko siyang nakaupo sa labas ng isang room dun kaya nilapitan ko kaagad siya. Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi na ako nagdalawang isip at kinausap ko na yung doctor at sa lalong madaling panahon ay ooperahan nila si tita.