14

32 0 0
                                    

After nung pag-uusap namin na yun, hindi na ako lumabas ng kuwarto. Nagbasa nalang ako nung binili kong libro kaso hindi ko naman naiintindihan kasi sumisingit sa isip ko yung sinabi nung lalaking. Teka sino nga ba yun, hindi ko man lang natanong yung pangalan. Para kasing naguguilty akong ewan.

Past 8 narin pala. Nagugutom narin ako. Wala pa kasi yung tatlo pero nagtext naman silang late na sila makakauwi. Masiyadong sinusulit ang Baguio. HAHAHA Nag-ayos narin ako kasi sa labas nalang din ako kakain.

Pagkasarang pagkasara ko ng pinto, napatalon ako bigla. SA GULAT.

“Sa labas ka magdidinner? Sa tingin mo sa oras na to, safe lumabas ng mag-isa? Lalo na ikaw, halatang hindi ka taga rito” sabi ni ano, yung tumalisod sa akin!

Napabuntong hininga nalang ako.

“Nagugutom na kasi ako e. Nakakasawa naman yung mga dala naming cup noodles. Hindi naman ako namili kanina kasi akala ko makakasabay ko yung mga kasama ko.” Paliwanag ko sa kanya. Bakit ba ako nag-eexplain? Ewan ko rin e.

Hinila niya ako bigla sa kwarto niya.

“Teka. Teka, a-anong gagawin natin dito?” Kinabahan ako bigla.

May inaayos siya sa lamesa. Hindi ko naman Makita kasi nakaharang siya.

“Samahan mo akong kumain since wala ka naman kasabay. Tayo nalang.” Napatitig nalang ako sa kanya.

Tayo nalang.

“Akala ko ba gutom ka? Ano pa tinatanga mo diyan? Walang lason to. Kakabili ko lang to sa carinderia sa kanto.” Sabi niya sabay hatak na naman sa akin. Kaya kumain nalang ako. HAHAHAHAHA

Pagkatapos namin, nag-aya narin ako sa labas. May bangko kasi ron at dahil nasa third floor kami, kitang kita mo yung view. Naupo ako ron. Tinapon niya muna yung mga basura tapos tumabi sa akin. Hindi ko alam kung ano sasabihin kaya nanahimik nalang din ako.

Pero hindi ko kaya manahimik.

“Sorry nga pala ulit dun sa nagawa ko sa’yo sa sinehan.” NATATANDAAN NIYO BA YUNG NIYAKAP AT NAKALMOT KO SA SINEHAN NUNG NANUOD KAMI NILA HAZEL? SIYA YUN! HAHAHAHA

“Okay nga lang yun. Nakakatawa ka lang kasi hindi mo kaagad ako nakilala.” Sagot niya sa akin. E kasi naman pikit na pikit kaya ako nun. HAHAHAHAHA

“Sorry talaga ha. Hindi ko sinasadya yun.” Sabi ko

“Alam mo bang dahil dun, hindi natuloy ang kasal ko? HAHAHAHA” sabi niya sabay tawa. Pekeng tawa. Napalingon ako sa kanya. Hindi ko kasi alam kung nagjojoke ba siya o ano.

“That day, anniversary namin nung GF ko. Siya yung kasama ko. Inaamin ko naman na pagkapasok niyo ng mga barkada mo e napatingin agad sayo. Hindi ko naman alam na sa tabi ko pa ikaw pupwesto.” Kuwento niya

Tumigil siya sa pagkukwento. Nakatingin lang siya sa moon.

“Pagkatapos, niyakap mo ako at kinalmot kalmot.” Sabay ngisi

“Hindi ko alam pero speechless ako bigla. Hindi ko alam bakit hindi kita sinigawan sa ginawa mo sa akin. Naramdaman mo bang hinawakan ko pa yung kamay mo nun? Sobra ka kasing nanginginig sa takot.”

“at pagkatapos ng pelikula, bigla nalang kayong nagtayuan ng parang walang nangyari. Para kang bula. Ang bilis mo naglaho.” Tatawa tawa siya habang nagkukwento. Pero malungkot yung mata niya. Nakatitig kasi ako sa kanya.

“Pagkatapos nun, lumabas na rin kami. Aayain ko na sana siya sa lugar kung saan ibibigay ko na sakanya yung buong buhay ko ng bigla niya akong sinampal. Siyempre nagulat ako sa ginawa niya. Nakita ko umiiyak siya. Nagtaka ako kung bakit kaya tinanong ko siya kung para saan yun.” Hinihintay ko lang siya magkwento ng magkwento.

The KEY to your HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon