"Pare, kamusta? Kelan mo balak umakyat uli? O wala ka na talagang balak?" - Stewart
"Nako pre, lam na. Matic na yan, hindi na aakyat yan. Ilang company na ang inyawan niyan. Sa palagay mo babalik pa yan?" - Jet
Meet Jet and Stewart. My buddies when I was in college. Kami kami lang talaga nagkakasundo lalo na kung sa mga babae. Nasa wedding party kami ng isa pa naming kaklase nung college.
"Dude, I do't have any plan. I'm enjoying my life here."
"Sabihin mo, ayaw mo mahiwalay sa girlfriend mo. Right bro? Tsaka yung anak mo pare, grabe carbon copy!" - Jet
"Oo nga pare. Lakas din ng dugo mo e. Siguro nung ginagawa niyo yun, ikaw ang mas nag-enjoy? HAHAHAHA" - Stewart
"HAHAHA. GAGO! E hindi ko nga alam na nakabuo na pala ako e. Pero okay lang. Magkasundo naman kami ng anak ko."
"How about his mother dude? Marane, right?"- Jet
It's been a week nung huli naming pagkikita. Hindi niya ako kinocontact. Nung hinatid ko si Caleb, ang mama niya ang lumabas.
"What about her? I don't care about her bro. All I want is my son. She's nothing to me bro."
"That's good! Kung ayaw mo sa kanya, edi akin nalang. Sobrang ganda nun pare tapos sinasayang mo lang? Ikaw na gwapo! HAHAHAHA" - Jet
"Kailan ka pa namulot ng basura ng iba? Marami diyang pare. Mas bata, mas malinis."
"Grabe ka pare! Sobra talaga galit mo ron no? Hindi mo man lang ba yun mapapatawad? E ang Diyos nga nagpatawad." - Stewart
"Amen to that. Pare, sandali. Samantha's calling. Excuse me."
"Hello, hon. Why?"
"W-w-why did'nt you. . . You. .
Huh? Bakit umiiyak si Samantha?
"Hon, why are you crying? What's the problem?" tanong ko sa kanya.
"You didn't tell me about that thing." sabi niya
"Huh? About what?" Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya
"Lii-lipa-t-t na pala si Ma-ra sa bahay ni-y-yo. Hindi moo sinabi-i sa akin. I'm here sa labas ng bahay niyo"
WHAT!? KAILAN PA? E HINDI NGA AKO KINOCONTACT NUN!
tooot.... tooot.. tooot..
WTF! Binabaan ako ng phone! Ano ba nangyayari ron? Lintik naman o!
1 Message Received
From: Daddy
Mara's already here. Nasa room niyo na yung mga gamit niya. Go home now. Thank You, son.
WTF! as in WTF! Bakit hindi niya ako sinabihan at talagang share kami ng room? At talagang pumayag siya?! I need to go home now.
"Pare, mauna na ako. May problema sa bahay. Sakit sa ulo!" Nagpaalam na ako sa dalawa. I want to stay a little longer kaya lang hindi rin naman ako mag-eenjoy.
"Dude kung makareact ka akala mo nahuli ka ng asawa mong nangangaliwa. HAHAHAHA! Ingat dude. Sabihin ko nalang mamaya kay Anthony na nauna ka na." - Stewart
Gusto mo pala ng gulatan ha. Sige, I'll give you what you want.