PAANO MUNA AKO TUMABA

5.8K 124 17
                                    

Hindi pa ako nakakakilala ng taong gustong tumaba.

Pero kung meron mang nagbabasa ngayon na gustong magpataba, e di wow, basahin mabuti ang mga susunod na kabanata at gamiting mong gabay para sa pagpapabigat ng timbang at pagpapataba ng katawan. Gudlak!

Di gaya mo, iniiwasan ko yan, at ng libo-libong iba pa, mapa-babae, lalaki, bakla, tomboy o kahit ng transgender, bisexual, pansexual, iwas na iwas kami diyan.

At bakit hindi? Kung hindi mo alam ang pakiramdam ng mataba, iisa-isahin ko sa 'yo. Basahin mo lahat at baka magbago pa ang isip mo.

Kapag mataba ka, kahit pa maligsi ka, madalas kang mapagsasabihan na tamad, mabagal kumilos, puro higa.

Kahit ang totoo, paanong puro higa ka, e siyempre babangon at babangon kami para kumain at anong mabagal kumilos e napakabilis nga namin sumandok ng kanin at ulam, at lalong hindi tamad ang mataba

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kahit ang totoo, paanong puro higa ka, e siyempre babangon at babangon kami para kumain at anong mabagal kumilos e napakabilis nga namin sumandok ng kanin at ulam, at lalong hindi tamad ang mataba. Marami sa amin ang nagtatrabaho, aba, paano kami lalaki ng ganito kung walang kaming panglamon, di ba? Tse!

Kapag mataba ka, at namimili ng damit sa mall, kahit ang balak mo naman talaga e bilhan ng damit ang mapayat mong kapatid, pilit na kukunin ng saleslady ang damit na kinuha mo, at papalitan ng XL, XXL o kung talagang malala, XXXL.

Di pa makukuntento ang bruha, titignan ka pa mula ulo hanggang paa, sabay giit sa 'yo na kumuha ng ibang size

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Di pa makukuntento ang bruha, titignan ka pa mula ulo hanggang paa, sabay giit sa 'yo na kumuha ng ibang size. Pwe!

Kapag mataba ka at namimili ka ng gulay pagtitinginan ka ng mga tao.

Kapag mataba ka at namimili ka ng gulay pagtitinginan ka ng mga tao

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

At hindi dahil natutuwa silang gulay ang kakainin mo. Nagtataka ang mga impakto. Makakarinig ka ng bulungan diyan, sigurado, "Puro gulay e mukhang baboy naman." Hindi na nila inisip e kung sa nabili mo na ang karne at sadyang gulay na lang ang kulang sa kare-kare mo, para kumpletos rekados, mga leche!

Kapag mataba ka at nagpacheckup ka sa duktor, halimbawa, dahil meron kang ubo, ubo lang ha, pang mataba pa rin ang diagnosis sa 'yo.

Kesyo mataas ang kolesterol, mataas ang BP, mataas ang ratio ng taba sa laman, mataas lahat! Pero huwag ka, ang tanong mo lang naman, paano po gagamutin ang ubo ko? Paki mo sa bilbil ko, inutil!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kesyo mataas ang kolesterol, mataas ang BP, mataas ang ratio ng taba sa laman, mataas lahat! Pero huwag ka, ang tanong mo lang naman, paano po gagamutin ang ubo ko? Paki mo sa bilbil ko, inutil!

Kapag mataba ka at sasakay ka ng jeep, asahan mo, ngalay ka na kakapara, wala pa ring humihinto sa mga gago.

Halos magpasagasa ka na nga mapansin ka lang ng mga tsuper na 'to

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Halos magpasagasa ka na nga mapansin ka lang ng mga tsuper na 'to. Alam mo kung bakit walang tumigil? Lugi daw sila sa 'yo. Lalo na kung nakauniporme ka pang pang-estudyante, dalawa na ang sakop mo nakuha mo pang humingi ng diskwento. Asan ang hustisya dito?

Kapag mataba ka, at kaarawan mo, e di tatanggap ka ng mga regalo - pustahan, higit sa kalahati ng mga regalong matatanggap mo, kung hindi jumping rope, barbel o diet pills, e libro ng South Beach.

Kapag mataba ka, at kaarawan mo, e di tatanggap ka ng mga regalo - pustahan, higit sa kalahati ng mga regalong matatanggap mo, kung hindi jumping rope, barbel o diet pills, e libro ng South Beach

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dagdag na naman sa koleksyon mo ng mga pampapayat na kung ginagamit mo sana, e di hindi mo kailangan ng mga ito. Pero hindi pa nila magegets na hindi mo nga ginagamit, at habambuhay, habang mataba ka, patuloy kang makakatanggap ng mga regalong ganito. Kainis!

BOOK VERSION NOW AVAILABLE in BOOKSTORES NATIONWIDE!!! At kapag wala, toinks, kindly request the staff to update you once it's available in their store 😀😀😀

Mas PINASIKSIK, Mas PINAHABA at higit sa lahat Mas NAKAKAPAYAT!!! ALSO available at PSICOM's Online Shop!

LIKE us on Facebook >> 
https://www.facebook.com/kungpaanoakopumayat/ for the latest updates and daily papayat tips!

□ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □
Please VOTE if you like what you are reading so far
COMMENTS are very much welcome - do be kind
And SHARING is awesome and much appreciated

Salamat sa matiyagang pagbabasa!

Kung Paano Ako PumayatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon