Pamana ni Lola

3.5K 57 4
                                    

Kadalasan kapag ang usapin e pamana, una-unahan na yan, garapalan, gapangan, kampihan, at palakasan makakubra lang ng pinakamalaking hati sa kayamanan.

Ibang pamana ang tinutukoy ko. Hindi kayamanan kundi sumpang nakasulat sa DNA.

Ang DNA o ang Deoxyribonucleic Acid (huwag kang mag-alala, kinopya ko lang yan sa Google, marami tayong hindi alam 'yan) ang nagdidikta sa ating katawan kung ano ang magiging itsura nito. Kung magiging matangkad o pandak ang taas, kung maitim o maputi ang balat, kung diretso o kulot ang buhok, at oo, kung mapayat o mataba ang future mo.

Ang pamana na ito ay sapilitang ibibigay sa 'yo. Sa kinabutihang palad, wala namang kailangang mamatay, kaso hindi ka din makakatanggi, at minsan nasa 'yo na pala, hindi mo pa alam. Later on na lang.

Hindi mo agad matutukoy kung kanino ba talaga ito galing. Sa angkan ba ni nanay o sa lahi ng tatay?

Sa personal kong karanasan, natumbok ko, pamana ito ng lola ko.

BOOK VERSION NOW AVAILABLE in BOOKSTORES NATIONWIDE!!! At kapag wala, toinks, kindly request the staff to update you once it's available in their store 😀😀😀

Mas PINASIKSIK, Mas PINAHABA at higit sa lahat Mas NAKAKAPAYAT!!! ALSO available at PSICOM's Online Shop!

LIKE us on Facebook >>
https://www.facebook.com/kungpaanoakopumayat/ for the latest updates and daily papayat tips!

□ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □
Please VOTE if you like what you are reading so far
COMMENTS are very much welcome - do be kind
And SHARING is awesome and much appreciated

Salamat sa matiyagang pagbabasa!

Kung Paano Ako PumayatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon