Diet, Diet, Diet

2.7K 37 3
                                    

Hindi ko na mabilang kung ilang diet ang sinubukan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko na mabilang kung ilang diet ang sinubukan ko. Napakarami. Hayaan niyo akong alalahanin kung anu-ano na ang na-experience ko at ang naging resulta sa katabaan ko. Kasama ang tip para sa bawat isa.

After 6
Pwede ka lang kumain hanggang alas sais ng gabi. Pagkalampas nun, hindi na pwede, hihintayin mo na ulit ang kinabukasan.

Tip: Bumili ng relo at mag-alarm ng alas-6.

No Rice
Kung Amerikano ka, no potato diet, pero dahil Pinoy tayo at kanin ang pinakamadalas at pinakamarami natin kainin sa araw-araw, madaling makita kung bakit ka papayat.

Tip: Kalimutan mo na ang pagkain sa Tokyo Tokyo at Mang Inasal, lugi ka sa unli rice!

Breakfast like a King, Lunch like a Queen and Dinner like a Pauper
Sa tagalog, mag-almusal na parang hari, magtanghalian parang reyna at maghapunan na parang pulubi.

Tip: Magplano agad ng kakainin.

Vegetarian
Hindi lahat ng vegetarian e nagdadiet. Ang karamihan sa kanila ay may paniniwalang naayon sa pagkain lang ng gulay at prutas.

Maraming klase nito, may kumakain pa rin ng isda, may itlog lang ang pwede at may iba na kahit gatas ng baka ay bawal.

Tip: Dalasan ang pagluto ng chopsuey, pinakbet, at bulanglang.

Kung nahihilo ka sa daming ng diet (maraming marami pa akong hindi nabanggit dito) meron din namang mas simpleng paalala na pwede mong sundin:

"Kumain lang ng sapat."

BOOK VERSION NOW AVAILABLE in BOOKSTORES NATIONWIDE!!! At kapag wala, toinks, kindly request the staff to update you once it's available in their store 😀😀😀

Mas PINASIKSIK, Mas PINAHABA at higit sa lahat Mas NAKAKAPAYAT!!! ALSO available at PSICOM's Online Shop!

LIKE us on Facebook >> 
https://www.facebook.com/kungpaanoakopumayat/ for the latest updates and daily papayat tips!

□ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □
Please VOTE if you like what you are reading so far
COMMENTS are very much welcome - do be kind
And SHARING is awesome and much appreciated

Salamat sa matiyagang pagbabasa!

Kung Paano Ako PumayatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon