Rare Cases

1.2K 20 5
                                    

May iba pang dahilan ng pagtaba na out of this world. Bihira, pero nangyayari.

Sumarap ang macaroni ni Manang. Tandang tanda ko ang araw na iyon. Matagal na akong kumakain ng isang platong macaroni para sa recess. Pero isang araw, sumarap ang macaroni ni Manang. Kaya ang dating isang plato, naging dalawa na. Kasalanan niyang lahat.

Free Taste sa Grocery
Ako ang namamahala sa grocery sa bahay, madalas sa grocery may pa-free taste. May kape, juice, noodles, hotdog, nuggets, biskwit at iba pa. Dahil libre naman, at nakakapanghinayang, kahit hndi ako gutom, tinitikman ko lahat. Dapat ipagbawal na yun e.

Solo Vs. Value Meal
Alam mo bang pwede ka naman kumain sa fastfood na walang softdrinks? O umorder ng burger na walang fries? Kaso, magdadagdag ka lang ng limang piso, ang solo meal mo pwede nang maupgrade sa Value Meal. Kaya imbes 200 calories ng burger lang sana, nadagdagan ng isa pang 200 calories dahil sa french fries. Pero limang piso lang kasi. Pwes, limang kilo din ang nadagdag sa timbang ko.

May alam ka pa bang special cases ng mga bagay na nakakataba? Comment na ng maidagdag natin yan. Para sa ikauunlad ng matataba sa ating bayan!

BOOK VERSION NOW AVAILABLE in BOOKSTORES NATIONWIDE!!! At kapag wala, toinks, kindly request the staff to update you once it's available in their store 😀😀😀

Mas PINASIKSIK, Mas PINAHABA at higit sa lahat Mas NAKAKAPAYAT!!! ALSO available at PSICOM's Online Shop!

LIKE us on Facebook >> 
https://www.facebook.com/kungpaanoakopumayat/ for the latest updates and daily papayat tips!

□ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □
Please VOTE if you like what you are reading so far
COMMENTS are very much welcome - do be kind
And SHARING is awesome and much appreciated

Salamat sa matiyagang pagbabasa!

Kung Paano Ako PumayatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon