Ngayong alam niyo na kung paano ako tumaba (at ang iba pang libo libong gaya ko), sunod naman siyempre ang mga pinagdaanan ko para pumayat.
Bago yan, e ano nga ba kasi ang meron sa mga payat at gigil na gigil tayong mapasaatin ito? Para sa mga desperadong gaya ko, napakaraming dahilan talaga.
Kapag mapayat ka hindi mo na poproblemahin kung magkakasya ka ba sa isang damit o hindi.
Basta suot na lang. Hindi mo kailangang huminga ng malalim maisara lang ang zipper ng pants mo. At hindi mo kailangang buksan ito dahil lang kumain ka ng hapunan.
Kung mapayat ka hindi ka pagbibintangang matakaw.
Kahit pa kumain ka ng gabundok na kanin at yung mataba mong kaopisina e half rice lang, siya pa rin ang mukhang matakaw. Yes, life is unfair.
Kung mapayat ka at gusto mo umabsent sa school o sa opisina, madali ka makakalusot.
Dahil payat ka, madali para sa iyo ang magmukhang sakitin. Konting ubo, konting sipon, mukha ka nang may TB. Baka kabitan ka pa nila ng swero sa awa nila sa 'yo.
Ang saya di ba?
***BOOK VERSION COMING SOON***
Mas PINASIKSIK, Mas PINAHABA at higit sa lahat Mas NAKAKAPAYAT!!! Book launching na po sa Love at First Write ng PSICOM PUBLISHING on February 12, 2017 at MEGATRADE FUNCTION ROOM, Megamall! See you!
□ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □
Please VOTE if you like what you are reading so far
COMMENTS are very much welcome - do be kind
And SHARING is awesome and much appreciatedSalamat sa matiyagang pagbabasa!
BINABASA MO ANG
Kung Paano Ako Pumayat
Non-FictionBOOK VERSION NOW AVAILABLE in BOOKSTORES NATIONWIDE!!! At kapag wala, toinks, kindly request the staff to update you once it's available in their store 😀😀😀 Mas PINASIKSIK, Mas PINAHABA at higit sa lahat Mas NAKAKAPAYAT!!! ALSO available at PSICOM...