[Author's Note : I have added bits of info sa mga naunang chapter... but then I realized it's easier if I just add to one chapter... so this part, OTHER TIPS, will be constantly updated para sa mga additional papayat tips na hindi ko naisama before... :)]
EAT WITH YOUR MOUTH CLOSED
Ano daw? Paano? Ganito..ang siste kapag kumakain ka ng bukang buka ang bibig mo kasabay ng paghinga sa bibig... posibleng magcontribute ito sa pag-bloat ng tiyan. Nguyang sosyal kahit tuyo ang ulam!EAT SLOWLY
Hindi ito racing. Namnamin ang bawat subo.REST
Give your body time to rest. Ito ay para masiguradong hindi ka maiinjure at makakarecover ang mga muscles and joints mo after every workout.MANGUYAKOY at kung anu anong dagdag na kilos
Sa english, fidget.STOP WEIGHING YOURSELF
Sakit ko yan dati e. Yung maya't maya titignan timbang kaya maya't maya rin magugulat/maiinis/mababadtrip. Stop it.PREP FOOD IN ADVANCE
Good food.. food na pasok sa lifestyle change na ginagawa mo.TAWA PA MORE
I just read this recently sa isang article from Reader's Digest: "One hour of laughter burns up to 120 calories, about the same as 18 to 27 minutes of weight training, 15 to 20 minutes of walking, or 40 minutes’ vacuuming."ADD HEIGHT
Nabanggit ko sa Hairstyle Chapter na mahalaga ang may height sa buhok kasi tinutulungan ka nito bigyan ng ilusyon ng bahagyang pagtangkad (na nakakapayat kasi binabalanse nito ang palapad nating katawan)... may ibang paraan pa.Wear Heels Swerte kung normal ka nang naghiheels... pero kung ikaw ay gaya ko na sanay sa tsinelas o sa flats, makakatulong na rin yung may maliit na heel o kaya yung flat pero makapal kaya may dagdag tangkad pa rin.
Mind your Posture Eto pa nga napakasimple. Kung tutuusin, sa loob ng isang segundo, pwede mo na ayusin ang pag-upo o paglalakad mo sa pagtuwid ng likod. Simple pero anlaking tulong sa pagpapatangkad at pagpapayat natin. Try mo ipicture sarili mo na nakakubang nakaupo at nakaupo ng ayos o nakabagsak ang balikat habang nakatayo at isang maayos ang tayo... tignan mo kung alin ang mukhang pumayat.
Stretching Exercises Make a habit na paggising sa umaga... na mag stretch lang. Abutin ang toes, abutin ang kisame, to the left to the right... makakatulong sa proper posture para iwas kuba.
Maghanap ng mataas na pwesto
Eto true story... may binibilhan akong tindahan lagi. Sa tindahan na yun nakatayo lagi si Ate Bicol. And all those time na bumibili ako... ang tingin ko sa kanya e matangkad. One day nakita ko siya sa labas ng tindahan niya, hindi ko nakilala, super liit bigla! Mataas lang pala ang tinatapakan niya sa tindahan.DRINK MORE WATER
Sa dami ng pwedeng gawin para pumayat... eto na ang isa sa pinakamadali at very basic.BIGGEST LOSER MARATHON
I must admit na iyak galore lang ako kapag nanunuod nito. Damang dama ko kasi ang paghihirap ng mga contestants. Habang may ganung drama, nakikita mo rin ang workout na pinapagawa ng world class trainers at ang effort na dapat isinusukli ng contestants. Gayahin.THINK POSITIVE
Minsan ginawa mo na lahat pero wala pa ring makahalatang pumayat ka na... think positive. Mga inggitera lang 'yan! Hanggang hindi super halata hindi pa nila sasabihin. Ikaw naman, huwag ka paapekto. Positive lang and focus sa goals.**BOOK VERSION COMING SOON**
Mas PINASIKSIK, Mas PINAHABA at higit sa lahat Mas NAKAKAPAYAT!!! Now available at PSICOM's Online Shop and soon in bookstores nationwide!
LIKE us on Facebook >>
https://www.facebook.com/kungpaanoakopumayat/ for the latest updates and daily papayat tips!
□ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □
Please VOTE if you like what you are reading so far
COMMENTS are very much welcome - do be kind
And SHARING is awesome and much appreciatedSalamat sa matiyagang pagbabasa!
BINABASA MO ANG
Kung Paano Ako Pumayat
Non-FictionBOOK VERSION NOW AVAILABLE in BOOKSTORES NATIONWIDE!!! At kapag wala, toinks, kindly request the staff to update you once it's available in their store 😀😀😀 Mas PINASIKSIK, Mas PINAHABA at higit sa lahat Mas NAKAKAPAYAT!!! ALSO available at PSICOM...