1 - College

94.4K 532 38
                                    

[A/N: Italicized text means it's the character's thought or nasa isip lang nila.]

 .

@DLSU – First day of classes

 .

Ara: (standing infront of the university gate) Hmmmm.. New day. New school. New life. (smiles widely, entered the campus then started looking for her classroom) Nasaan na ba ako? Bakit naman kasi ang laki ng campus wala man lang directions. Oo nga, nag-tour na kami sa buong university bago pa mag-start ang classes pero hello… ine-expect ba nila na mame-memorize namin lahat ng pasikot-sikot dito? Agad-agad?

 .

*** 

 .

Nagpatuloy sa paghahanap si Ara nang biglang may nakabangga siyang tao –

 .

Ara: Ay sor-- Ikaw?!

Thomas: Ako?!

Ara: Anong ginagawa mo dito?!

Thomas: Ha? Anong ginagawa ko dito?? Nawawala ata ako?? (shocked face then poker face) Mag-aaral malamang, alangan naman maglilibot? (giving a ‘what-the-hell’ look)

Ara: Che! Pag minamalas ka nga naman oh. Sa dinami-dami ng universities dito sa Pilipinas bakit dito pa. Buset! (sabay irap)

Thomas: Bakit, bawal? Wala naman sila sinabi na “No Thomas Torres Allowed” ah. *bleh*

Ara: Hahahaha! “No pets allowed” lang ang peg ah. (laughs then biglang poker face) Sabagay mukha ka naman talagang pet, yung tipong wild animal na puro gulo lang ang dulot sa iba. (sabay walk-out)

Thomas: (sumigaw habang papalayo si Ara) Nice seeing you, too!!

 .

*** 

 .

Nagtanong na si Ara sa mga estudyante kung saan at paano pumunta sa classroom niya dahil male-late na siya. Nang malapit na siya sa room ay may napansin siyang tao, nilingon niya ito para makumpirma kung tama nga ang hinala niya –

 .

Ara: (tumigil at humarap dun sa tao) Hoy! Sinusundan mo ba ako?!

Thomas: Wow Ara, may mas makapal pa pala diyan sa labi mo – yang mukha mo. FYI, dito din ang classroom ko kaya wag kang assuming diyan.

Ara: Ooooops..>.<  Whatevs Torres! (irap)

Thomas: Oy, bawas-bawasan mo yang pag-irap mo baka hindi na bumalik yang mata mo. (hinawi si Ara) Tabi nga! Kung gusto mong magpa-late at mapagalitan ng prof bahala ka mag-isa, 'wag kang mandamay ng ibang tao. (pumasok na sa loob)

Ara: (nag make-face sa likod ni Thomas) Nye-nye-nye. Shoot. Late na ko, kasalanan nung bansot na yun eh. Makapasok na nga.

 .

Pagpasok ni Ara ay nakita niya na puno na ang classroom at nandoon na din ang prof nila. Naghahanap na siya ng upuan at nang may nakita siya sa bandang gitna ay dali-dali na siyang pumunta doon. Pero sa kinamalas-malasan niya sa araw na iyon, paglingon niya sa kanyang gilid, ang nakatabi pala niya ay – ang Bansot. *bow*

 .

Ara: WHAT THE?! Kill me now. (nag-sign of the cross) Joke lang po. Marami pa po akong pangarap sa buhay at gusto ko pa po magka-pamilya. Hehe. (grins widely)

 .

Prof: (points at Ara’s direction) The girl over there wearing a white shirt. What’s your name?

[1] To.get.her Back AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon