37 - Drive Home - Truth & Explanation

22.1K 289 26
                                    

- THOMAS' POV -

 .

Haaay, ang tagal naman matapos nito. Sabagay, ang dami naman kasi namin. Nakikitawa lang ako sa mga kalokohan ng magkabilang team. Wala naman atang nagbigay ng matinong regalo eh. At kung nacu-curious kayo kung ano 'yung regalo sa'kin ni Ara, haaay, mga vitamins na pampatangkad lang naman. -__-

 .

Teka, speaking of Ara, kanina pa lumabas 'yun ah. Bakit hindi pa bumabalik? Nilibot ko ng tingin 'yung buong room at napansin ko na pati si Mika ay wala na din. Saan nagpunta 'yun? Tingin lang ako ng tingin sa glass door nang tapikin ako ni Jeron.

 .

Jeron: Bro, si Ara.

Me: Why? Did something happen?

Jeron: Let's go.

 .

Huh? Hindi na siya sumagot. He just stood up and walked towards the door. Sumunod na lang ako. Hindi naman na siguro kami mapapansin, busy naman sila sa pag-aasaran at pagtatawanan dahil sa mga regalong hinanda at natatanggap nila. Nang makalabas kami ay kinulit ko na talaga si Jeron.

 .

Me: Bro, what happened?

Jeron: I don't know what happened, ang sabi lang ay si Ara --

Me: Nasaan sila?

Jeron: Sa CR daw.

 .

Ugh, I lost my patience kaya tumakbo na ako papuntang CR. Parang alam ko na nangyari. Sabi na nagkukunwari lang 'yun na okay kanina eh. She has a deep fear of snakes. Nung bata pa kasi siya, nag-camping sila ng family niya at muntik na daw siyang matuklaw ng ahas. Her dad saved her but got bitten in the process. Luckily ay naagapan naman agad. Pero simula nun ay ganun na ang takot niya sa mga ito, kahit fake ay takot pa din siya.

 .

Nakarating na ako sa CR ng girls at pinasok ko na agad. Wala naman ibang tao dito sa floor kung hindi ang teams lang namin dahil sa party. Naabutan ko sila na naka-upo sa floor. Naka-lean si Ara sa shoulder ni Mika at si Mika naman ay yakap-yakap siya mula sa gilid. Mabilis akong lumapit sa kanila at nakita kong nakapikit lang si Ara.

 .

Me: Ara, are you okay?

Ara: ...

Me: Ara?

Ara: (dumilat ng konti pero pumikit uli at bahagyang tumango)

 .

Me: (harap kay Mika) Anong nangyari?

Mika: Naabutan ko siya na naka-upo at nanginginig dito sa floor ng CR.

 .

Me: (tingin kay Ara) Don't worry, Ara. It's not real, it can't harm you.

Ara: ...

Mika: Dalhin na natin siya sa dorm. Tapos naman na 'yung party eh.

Me: Sige. Can you walk, Ara? You want me to carry you?

Ara: K-kaya ko.

 .

Pinakawalan na siya ni Mika at inalalayan ko naman siyang tumayo. Lumabas na din kami ng CR habang naka-alalay pa din ako sa paglalakad niya. Pina-una na kami ni Mika dahil magpapaalam pa daw siya sa loob at hahabol na lang daw siya sa amin. Tahimik lang kaming naglalakad, si Ara na nakatingin lang sa baba at si Jeron naman na nasa kabilang gilid niya.

[1] To.get.her Back AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon