11.2 - Dinner Date - Showtime!

23.9K 303 78
                                    

- ARA's POV -

 .

Bahala na nga sila diyan, ayaw naman niya ng suggestion ko eh. Hmmmp! Mabuti pa, dito na lang ako sa iPhone ko, konti na lang maglelevel-up na ko sa Candy Crush, aabutan na kita Kimmy. Bwahahaha.

 .

Hmmmm.. Bakit parang tumahimik? Tapos na ba sila sa pag-uusap nila? Siguro wala na silang maisip na paraan. Hahahaha! Buti nga sa'yo, bansot. Teka, bakit parang may mga matang nakatingin sa akin? Ano ba 'yun? At hindi nga ako nagkamali, pag-angat ko ng aking ulo ay tinititigan lang nila akong dalawa. Problema nitong mga 'to?

 .

Me: Anong tintingin-tingin niyo diyan?!

 .

Aba! Nginitian lang ako? At hindi lang basta mga ngiti, mga nakakalokong ngiti!

 .

Me: HOOOY!! Hindi ko gusto 'yang mga itsura niyoooo!

Thomas: Relax Ars, we have a plan.

Me: So? Kailangan ko na ba umalis? Puwede bang kumain muna ako?

Thomas: No, you don't have to leave. And yes, you can eat all you want.

Me: Talaga?

Thomas: Yes, in one condition..

Me: Pssssh. Sabi na nga ba eh.. Ano ba plano niyo?

Thomas: You'll know. Just promise me na sasakay ka lang sa gagawin namin mamaya.

 .

Hala? Anong kalokohan kaya ang binabalak ng dalawang 'to mamaya? Masama ang kutob ko, ngiti pa lang ng bansot na 'to mukhang may hindi na magandang mangyayari, mala-aso kung maka-ngisi eh.

 .

Me: Ano ba 'yun??

Thomas: You'll know later.

Me: Now na!

Thomas: Later nga.

Me: Ay nako, bahala kayo sa buhay niyo, magJo-Jollibee na lang ako!

 .

Tumayo na ako, pero tumayo din si bansot. Paalis na ako, pero humarang siya sa dadaanan ko. Anong bang problema ng lalaking 'to?! Fine, gusto mong makipag-patintero ah..

 .

Fake sa kaliwa, fake sa kanan, fake uli sa kaliwa - Anyareee? WALA! Nakatayo lang siya sa harap ko at wala man lang reaksyon sa ginawa kong ninja moves.

 .

Thomas: Anong ginagawa mo? You can't fool me with those moves, I'm a basketball player, remember?

 .

Paaaa-tay! Oo nga pala. Mental facepalm ako dun ah.

 .

Me: Ows? Hindi kasi halata eh, ang pandak mo kasi.

 .

Hah, take that Torres! Hahahaha. Hindi siya makasagot sa sinabi ko. Guilty! Bwahahahaha. Pero maya-maya pa ay hinawakan na niya ako sa balikat at saka pinuwersang umupo uli sa puwesto ko. Nagalit ata. Hihi. So what? Pero.. Pero.. Pero, watisdis? Parang may gumagapang na something mula sa balikat ko, nakakakilabot.. 'Wag mo sabihing?? MY GULAY, not again! Bigla naman tumayo si Arabelle na nasa tabi ko -

 .

Arabelle: Here. Dito ka na.

Me: Huy, saan ka pupunta?

[1] To.get.her Back AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon