23 - New Term, New Life?

22K 240 14
                                    

- ARA's POV -

 .

Hay, sa wakas, katahimikan. Na-stress ako dun sa dalawang 'yun, hinding-hindi na mauulit 'to - ever! Nag-hilamos muna ako dahil alam niyo na at pagkatapos ay napasalampak ako sa couch namin at pumikit.

 .

Seryoso ba si Torres dun? Binigyan naman niya ako ng way out - ang humanap ng boyfriend para tigilan niya ako. Sagutin ko kaya si Kevin? Parang ang unfair naman nun para sa kaniya. Pinipilit ko naman na gustuhin siya eh, kaso kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kaniya. Ayoko din pumasok sa isang relasyon na hindi naman ako sincere na nagmamahal dun sa tao. Kung pwede nga lang turuan ang puso eh. Amf. Ang drama, pang-MMK.

 .

Ano nang gagawin ko? Meron kayang boyfriend-for-hire? Kaso walang budget, tag-hirap ako ngayon. Haaay, pero buti na lang at patapos na 'yung term, hindi ko na makakasama at makakatabi 'yung bansot na 'yun. Kahit papaano mababawasan 'yung pagkikita namin. Oh yeaaa --

 .

"I'm hooooome!"

 .

Napatalon ako sa pagkakahiga ko. Akala ko may sunog na eh. Opera singer ang peg, pambasag eardrums naman ang boses. Hahaha, joke. Anong problema ng babaeng 'to? Bakit ang saya-saya nito? Oo nga pala, may date siya kanina. Hmmm..

 .

Me: Ingay mo naman!

Mika: Sorry naman. Binabati ko lang naman ang ating ever beautiful na dorm sweet dorm eh.

Me: Sige lang. 'Wag ka lang maglalayas kapag sumagot 'yan sa'yo.

Mika: Problema mo? Siguro hindi mo napatay si Torres noh, kaya ang init ng ulo mo?

Me: Oo eh, bigla kasing dumating si Kevin, nagkaroon tuloy ng witness.

Mika: Sus, kampi naman sa'yo 'yun eh. Hindi magsusumbong 'yun.

Me: Oo nga noh? Bakit hindi ko naisip 'yun kanina? Sayang! Next time na lang.

Mika: Aah, text mo na lang ako kung kailan.

Me: Bakit?

Mika: Para makahanap ako ng paglilibingan.

Me: Sabi mo 'yan ah! Hihi.

Mika: Che! Bruhang 'to.

Me: Bakit ba ang saya-saya mo diyan? Sino ba talaga 'yung ka-date mo?

Mika: Paulit-ulit? Si Frosty nga sabi!

Me: Hooy, sabi mo sasabihin mo na lahat sa'kin? 

 .

Pinagtaasan ko na siya ng kilay. Ang daya kaya, siya alam niya lahat ng nangyayari sa'kin eh. Hmmp. Natawa naman siya pagkatapos ay lumapit na at tumabi sa'kin. Ayaaan. Hihi.

 .

Mika: Oo na. Pero promise mo 'wag mong sasabihin kahit kanino?

Me: Depends.

Mika: Depends ka diyan. Naka-depende dito ang buhay ko ah.

Me: Talaga? Bakit? Wanted ba 'yang dine-date mo? Grabe ah, iba pala ang taste moo -- aray naman! Mambatok ba?

Mika: Kung anu-ano iniisip mo eh! Wanted ka diyan. Promise mo na kasi.

Me: Oo na! Promise!

Mika: Okay, ganito 'yun..

 .

Sinabi na nga niya lahat ng nangyari. Kung kailan at paano sila nagkabati ni Teng. Pati na din 'yung "friendly hang-out" nila kanina. Ang walang hiya, ang tagal na pala nilang "friends" nung mahanging hilaw na 'yun. Pero mukhang masaya naman siya. Hmmm, I smell something meaty, 'yung tipong sobrang juicy na steak. Yuum! Kagutom. 

[1] To.get.her Back AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon