38 - Celebrations - The Parents & A Last-Minute Greeting

21.8K 299 54
                                    

- ARA's POV -

 .

Ilang oras na lang ay Christmas na. Busy kami sa paghahanda ng mga pagkain ni Mama habang si Papa at kuya naman ay busy na nagse-setup ng table sa labas. Dadating din kasi 'yung iba naming kamag-anak para sama-sama kaming mag-Noche Buena at salubungin ang Christmas.

 .

Mama: 'Nak, may boyfriend ka na ba dun sa Manila?

Me: Po?? Saan naman po nanggaling 'yun, Ma??

Mama: Naitanong ko lang. Meron na ba?

Me: Wala pa po.

Mama: Wala PA? Ibig sabihin magkakaroon?

Me: Maaa.. Eh di wala PO.

Mama: Eh manliligaw?

Me: Ah eh..

Mama: Sige na, sa'kin ka pa ba maglilihim?

Me: Meron po.

Mama: Talaga? (smiles widely)

Me: Bakit po kayo ganyan maka-ngiti?

Mama: Wala naman. Masaya lang ako na sinusubukan mo na ulit buksan 'yang puso mo sa iba at binibigyan mo na uli ng pagkakataon ang sarili mong maging masaya.

Me: Ang lalim, Ma, hindi ko ma-dig.

Mama: (laughs) Ikaw talaga.

Me: Masaya naman po ako ah? Hindi ko naman po kailangan ng boyfriend para maging masaya, andiyan naman po kayo at mga kaibigan ko.

Mama: Oo nga, anak, pero gusto ko lang naman maranasan mo ulit magmahal para sa ganun ay makalimutan mo na ang sakit ng nakaraan.

Me: Lalong lumalalim, Ma, nalulunod na ako.

Mama: (laughs) Manang-mana ka talaga. Teka, hindi mo man lang ba ipapakilala sa amin 'yung manliligaw mo?

Me: A-ah, n-next time po. Hehehe.

Mama: Aasahan ko 'yan. Pero magpasabi ka ha, alam mo naman ang papa mo, pagkatapos nung kay Thomas, medyo highblood na 'yun sa mga lalaking lumalapit sa'yo.

Me: (nasamid)

Mama: (hinahagod ang likod ko) O, anong nangyari sa'yo? Dahil ba nabanggit ko ang pangalan niya? Pasensiya ka na, anak, hindi ko sinasadya.

Me: H-hindi po, okay lang po 'yun. Wala po ito, baka may nakaalala lang. Hehe. Ah, Ma, kayo po, galit din po ba kayo kay Thomas?

Mama: Hindi mo naman maiaalis sa akin ang magalit sa kaniya, anak. Nakita ko kung gaano ka nasaktan, at masakit 'yun makita para sa akin bilang ina.

Me: Aaaahh.. Ang drama na po natin dito, pang-MMK na. (laughs)

Mama: Minsan lang tayo mag-usap ng ganito, hayaan mo na. Kamusta naman ang pag-aaral mo? Victonara, pinapayagan kitang ligawan ah, pero tandaan mo pa din kung ano ang priorities mo, maliwanag?

Me: Sus, Ma, nauna mo pa ngang itanong 'yung lovelife ko kaysa sa studies ko, tapos priorities? (laughs)

Mama: Eh baka kasi dumating 'yung papa mo kaya inuna ko na 'yun. (chuckles) Pero mas importante pa din ang pag-aaral, okay?

Me: Yes, Ma. Love you.

Mama: Love you, too, anak.

 .

 .

"Matagal pa ba 'yan? Nandiyan na sila."

 .

[1] To.get.her Back AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon