41 - The Other One - Huh?

18K 254 29
                                    

- ARA's POV -

 .

Magkakasama kami ngayon ng Bullies dito sa Cafeteria at naglu-lunch. Siyempre, hindi nawawala ang asaran at si Kim pa din ang target nila. Oo, nila, dahil nakiki-tawa lang ako at nago-obserba. Wala lang, hindi ko lang feel mang-asar ngayon. Suking-suki nga siya kay Mika eh. Mukhang maganda gising ng babaeng 'to ah? Sobrang saya.

 .

Napansin ko naman si Cienne na nakikitawa at paminsan-minsan ay nang-aasar pero ang mga mata niya ay sa iba nakatingin. Naka-sideview kasi ako kaya nakita ko kahit magkatabi kami. Sinundan ko kung ano 'yung tinitingnan niya. Sa may dulo ng caf... Si AVO? Na may kasamang babae? Hmmm..

 .

Me: Pssst. (kalabit kay Cienne)

Cienne: Bakit?

Me: Selos ka?

Cienne: H-huh??

Me: 'Wag kang echosera ah. Si AVO tinitingnan mo, 'di ba?

Cienne: H-hindi kaya.

Me: Sabi nang 'wag echosera eh. Huli ka na noh. Selos ka?

Cienne: Ano bang pinagsasabi mo?

Me: Sino ba 'yung kasama niya?

Cienne: Ex niya.

Me: Eh di sila nga tinitingnan mo. (laughs)

Cienne: Pssshh..

 .

"Huy, ano 'yan ah?"

 .

Cienne: Walaaaa..

 .

Ngumuso na lang ako kay Mika para ituro kung sino at ano ba ang pinag-uusapan namin. Tumingin siya sa likod at nakita na din niya. Pagharap niya ay meron na siyang pang-asar na ngiti sa kaniyang mukha.

 .

Cienne: Ewan ko sa inyo. Diyan na nga kayo! (tumayo)

MIka: Uy, san ka pupunta?

Cienne: Library!

Me: Aysuus, jellly ace ang peg ni ate.

Cienne: Che! (sabay alis)

Me: Uy, joke lang. Cienne!

 .

Pero hindi na siya lumingon at tuluyan na ngang umalis.

 .

Mika: Lagot kaaa..

Me: Anyare dun? Ngayon lang napikon 'yun ah?

Mika: Onga eh. Sa tingin mo... nagje-jelly talaga 'yung babaeng 'yun?

Me: Ewan. Kausapin na lang natin mamaya?

Mika: Hmmm. Okay..

 .

"O, nasan si Cienne?"

 .

Me: San kayo galing?

Carol: Kanina pa kami wala, ngayon mo lang napansin?

Me: Hindi ah, kanina pa, siyempre pano ko itatanong kung wala kayo?

Mika: Sa'kin nagpa-alam, hindi ko nasabi. Churi.

Kim: O, siya sisihin mo ah. Bumili lang kami ng dagdag na pagkain, gutom eh.

Me: Sus, alagang-alaga ang muscles, ayaw mag-shrink.

Kim: Lul. Nabuhay ka sa pang-aasar ngayon ah.

[1] To.get.her Back AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon