19 - Just here, by your side.

21.7K 292 30
                                    

- ARA's POV -

 .

Thomas: Stay. Please.

Me: H-ha? B-bakit? Anong binabalak mo, ha?

 .

*TUG.DUG.TUG.DUG*

 .

Wala siyang ginawa, wala din reaksyon 'yung mukha niya. Para naman akong sira, kabahan ba? Saka wala naman laban sa 'kin 'to kung sakaling may balakin na masama eh.

 .

Thomas: Nothing. Just stay, please.

 .

A-anong bang gagawin ko? Uhmmm.. Uhmmmm.. Ahhh.. Ehh..

 .

Me: O-okay.

 .

'Yun na lang nasabi ko. Binitiwan na din niya 'yung kamay ko. Ewan ko ba. Ang sama ko naman siguro kung tatanggihan ko ang isang taong may sakit. Baka gusto lang niya talaga ng kasama kaya umupo na lang ako sa kabilang kama.

 .

Awkwaaard..

 .

Ano ba 'to, tititigan ko lang siya? Natutulog na kaya siya o nakapikit lang? Hindi ko namalayan na lumapit na pala ako at sinisilip ko na ang mukha niya.

 .

Thomas: Why?

 .

Nakangiti ang loko. Naku, pasalamat ka may sakit ka. Teka, ano nga ba ang ginagawa ko? Errrr..

 .

Me: Uhmm.. Tatanong ko lang kung may instant noodles kayo dito. Gusto mo ba?

Thomas: Kitchen.

Me: Okay. Wait lang.

 .

Woooh. Buti na lang nakalusot. Pero kailangan ko naman siya ipagluto ngayon. Haaaay..

 .

Kitchen, kitchen, nasaan ka? Hmm.. Maganda at malaki itong dorm nila, parang mas malaki kaysa sa amin. Dapat lang naman siguro 'yun, higante mga nakatira dito eh. May dalawa siyang floors at maraming kwarto, nakakatakot, parang haunted hallway. Napatakbo tuloy ako. Haha.

 .

Nakababa na ako sa first floor, at ngayon ko lang napansin, ang ganda ng living room nila. Kainggit. Ang laki ng TV at malalaki 'yung sofa, may PS3 at xBox pa. Hmmmp! Makaalis na nga dito, baka makalimutan ko pang may pasyente pala sa taas.

 .

Dumaan din ako ng dining table bago ako nakarating sa kitchen. Hindi ko na ide-describe 'yung iba ko pang nakita, dahil baka magpatawag lang ako ng akyat-bahay at ipalipat lahat ng gamit nila sa dorm namin.

 .

Owkaaay. Dis is it. Kaldero, where are you? Ayun, nasa ilalim. Kinuha ko na ito at nagpakulo na ng tubig. Inilagay ang noodles at naghintay ng 3 minutes. Inilagay ang chicken powder then *tanan*. Masterpiece. Expert ata ako dito. Hihi.

 .

Inilagay ko na sa bowl then sa tray kasama ng isang basong tubig. Kumuha na din ako ng gamot sa may medicine cabinet na nakita ko sa dining area nila. Sosyal talaga. Umakyat na ako at pumasok sa kwarto.

 .

Me: Torres?

 .

Hindi sumasagot. Paglapit ko, tulog na pala. Humatak ako ng isang upuan at inilapag muna ang tray dito saka ako umupo sa tabi niya.

[1] To.get.her Back AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon