7.2 - The Break-Up: Her Side

20.6K 257 17
                                    

- PROM NIGHT: Ara's POV -

 .

Me: Maaaaa, late na po ako...

Mom: Eto na, eto na..

 .

Hindi naman halatang excited ako sa prom namin, 'di ba? Hahaha. Makikita ko kasi si Thomas sa kaniyang formal attire, ini-imagine ko pa lang kinikilig na ako, paano pa kaya sa personal? Hihi. Hay sa wakas, tapos na din magbihis si mama, maghahatid lang naman kailangan pa mag-ayos. Hahaha, love you ma. Habang nasa sasakyan -

 .

Mom: Dalaga na talaga ang anak ko, ang ganda-ganda at may boyfriend na. Hahaha.

Me: Maaaa. Siyempre anak mo ko, kailangan mong sabihin na maganda ako, 'di ba?

Mom: Hmmm. Maganda ka sana anak, madrama nga lang.

 .

Natawa na lang ako. Ang kulit kasi ng mga hirit ni mama eh. Teka, andito na pala kami, nakikita ko na si Thomas -

 .

Mom: O anak, ang leeg humahaba.

Me: Ma naman..

Mom: Basta 'yung sinabi ko sa'yo ha, mga bata pa kayo, 'wag masyadong magmadali at seryosohin, i-enjoy niyo lang kung anong meron kayo ngayon. Ang pag-aaral pa din ang first priority. Naintindihan?

Me: Yes ma..

Mom: Saka, congrats anak, ang cute talaga ng boyfriend mo. Hahahahaha.

Me: I know, right? Hahaha.

 .

Hininto na ni mama 'yung sa sasakyan sa tapat ni Thomas, at aalis na nga lang parang nagbanta pa. Buti na lang kayang-kaya bolahin ni Thomas ang mama ko. Hahaha. Oooooooh, tama nga ako, ang guwapo niya lalo sa malapitan, para siyang isang prince charming mula sa isang fairytale. Hindi pa din ako makapaniwala na boyfriend ko ang bansot na 'to. Hihihi. Naka simple tuxedo lang siya kaya angat na angat ang kagwapuhan. Hmmmm..

 .

Thomas: Hi Ara, you look wonderful tonight. (kiss sa cheeks ko)

 .

At siyempre, namula nanaman ako. Lokong Thomas 'to, alam niya kasi na lagi akong nagba-blush 'pag hinahalikan niya ako, kahit sa cheeks lang. Eh sa hindi ko mapigilan eh, nandun palagi 'yung feeling na parang kinukuryente ka, na-gets niyo naman ako, 'di ba? At nagbiro pa na paano daw kung sa lips na ako halikan? Iniisip ko pa nga lang, nanlalambot na 'yung tuhod ko eh, paano pa kaya kung totoo na? Hmmmp.. Inunahan ko na nga pumasok, baka kasi hindi ko na kayanin pang tumayo ng deretso. Nakakahiya..

 .

Woow, ang ganda sa loob, romantic pero hindi baduy, hindi mukhang cheap ang decorations. Hahaha. May malaking dancefloor sa gitna, nasaan 'yung food? Hmmmm. Aha! Nasa magkabilang gilid ng room. Nagugutom na tuloy ako. Teka, nasaan na ba sila Bea? Hanap-hanap, ayun! Buti naka-upo na sila hindi na kami mahihirapan maghanap ng table.

 .

Me: Hi guys.

Friends: Halloooo.

Bea: Ars, ang cute niyo talaga tingnan ni Thomas together, bagay na bagay!

Me: Ssshhh. 'Wag ka maingay, baka lumaki ang ulo nun. Ayan na siya, quiet lang. Hahaha.

Thomas: Hi girls. (smiles)

Friends: Hiiiiii.

 .

Tsssss. Mukhang kinikilig ang mga loka, buti na lang friends ko kayo. Hahaha. Teka, magsisimula na pala 'yung program. Hmmm. Tama si Ms. Emcee, this is really a night to remember. Ayan, tapos na ang speech. Nagpalakpakan na ang mga tao, excited na kasi mag-party. Ako din naman, kaso mas nararamdaman ko ang gutom ko, ang tagal ko kasing inayusan kanina eh, hindi tuloy ako nakakain. Huhuhu.

[1] To.get.her Back AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon