Chapter 12

81 4 0
                                    

Dj's POV

Pagka abot ng tubig sakin ni kc bumalik na ulit sya sa katapat naming mesa.

Binuksan ko ang bottled water tsaka uminom at tinignan ulit sila kc at sancho na masayang nag tatawanan.

Psh! Ang lalandi kairita, may pahawak hawak pa tong sancho na to maka tsansing! Eto namang kc na to kababaeng tao lakas makatawa. Megaphone talaga, gustong gusto atang hinahawakan sya nung mokong na sancho na yun.

Ah pare masarap ba yang tubig?
Kalabit sakin ni greg.

Oo malamig eh.
Sagot ko kay greg habang tinutungga parin ang bottled water pero ang mga mata ko ay nakila kc at sancho parin.

Hehe! Paborito mo?
Tanong naman sakin ni tom ng alanganin.

Tss!
Yun na lang sinagot ko ano bang problema ng mga to.

Gusto mo pa ba ng tubig tol? Bibilan pa kita.
Sabi ulit ni tom, liningon ko na sya bakas sa mukha nya na nag aalangan at pigil ang mga tawa nila.

Bakit ba tanong kayo ng tanong? Kung gusto nyo bumili kayo.
Sagot ko sakanila.

Eh kasi tol pfft!
Sabi ni mark na pinipigil ang tawa.

Kasi kanina pa namin napapansin na haha! Kanina ka pa inom ng inom jan sa bote eh wala naman ng laman haha!
Sabi ni greg sa pagitan ng pag tawa.

Halos kainin mo na nga yang bote hahaha!
Tawa pa ni tom.

Tinignan ko ang plastic bottle ng tubig, wala na ngang laman. Niyupi ko ang plastic bottle at binato ko kay tom at greg na magkatabi sa upuan.

Tawa parin sila ng tawa, kasama si sarai at arriane na namumula na sa katatawa.

Shit! Kanina ko pa ba ginagawa to?! Nakaka hiya mukha kong tanga! Bakit ngayon nyo lang sinabi! Mga baliw talaga kayo.
Asar na sabi ko sakanila.

Haha!! Kala kasi haha!! Kala kasi namin kakainin mo yung bote haha!
Sabi ni tom, lalong natawa ang mga baliw kong kaibigan.

Putek nakakahiya! Baka anong isipin nila arriane at sarai.

Bakit kasi di mo nalang sila lapitan tutal naman girlfriend mo si kc diba? Haha! Hindi yung parang pinapatay mo si sancho sa mga tingin mo.
Sabi naman ni mark.

EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon