Chapter 34

70 2 0
                                    

Helloooooo!!! May nag babasa pa po ba?

Long update ok na ba pambawi ??

Kinabukasan pag pasok ko kalat na sa buong school ang nangyari samin ni dj, may mga nag bubulungan naaawa sakin sa nangyari. May mga nagalit kay dj lalo na kay gail na dumami ang bashers.

"Hi queen ! How are you?"
Bati sakin ng mga estudyante, nginitian ko lang sila at nag thumbs up sign.

"Bait talaga nya noh? Di sya suplada di tulad nung gail na yun kala mo kung sinong maganda, nakakapag taka tuloy bakit sya pinag palit ni dj sa bruhang gail na yun." Rinig kong bulong ng iba pang estudyante, i sigh naalala ko nanaman di ko tuloy mapigilan tong luha ko na tumulo. Agad ko namang pinunasan ito ng tawagin ako ng barkada di ko napansin malapit na pala ko sa classroom.

"How are you labs?" Sarai asked me

"Im fine labs thanks anyway". I utter, i don't even know how to talk to them parang ayaw bumuka ng bibig ko feeling ko kasi everytime na ibubuka ko ang bibig ko iiyak nanaman ako.

"Magang maga yang mata mo ah, gusto mo sneak out tayo kahit ngayon lang para maka pag unwind ka?" Sabi ni greg na agad namang binatukan ni paula. "Aray!" Sigaw ni greg kay paula.

"Sira ulo ka talaga noh?! Wala talaga kaming maaasahan sayo pag dating sa advices naku! Di ka nakakatulong!" - paula

"Aba bakit? Nag sa suggest lang naman malay mo malibang si idol". Tanggol ni greg sa sarili nya

"Pwes wala kang kwenta mag suggest!" Irap ni paula
Hay nag away nanaman sila naalala ko tuloy kami ni dj nung nag sisimula pa lang kami para kaming aso't pusa hayyy! How can i forget him when my heart longing for him 😢

"Labs??" Yakap sakin ni arriane then she wipes my tears. Hala umiiyak nanaman pala ko, napa hagulgol ako ng naramdaman ko ang pag hagod nila sa likod ko.

"Shhh don't cry labs, i know malalampasan mo din to." Bulong sakin ni sarai

"Cassy gusto mo labas nalang tayo after class wala naman daw pasok bukas may meeting mga prof natin." Suggest ni gabby

"Go! Masaya at sabay sabay nilang sabi.

Ngumiti nalang ako sakanila pero ang mata ko hinahanap si dj kahit sa kinauupuan nya kahapon, pero wala di sya pumasok.

-----*
Break time

Lumabas na kami ng room para kumain pag dating namin sa canteen di ko kinaya ang eksenang nakita ko he's with gail cuddling each other tumulo ang traydor kong luha. Ako dapat yun eh ako dapat yung yakap yakap nya ako dapat yung kahawak nya ng kamay pero bakit sa isang iglap nag bago ang lahat samin 😭😢

I felt someones handling my hand liningon ko nakita ko si gabby na naka ngiti sakin at inaya na kong pumasok sa loob dahil nauna na ang barkada. Ayaw kumilos ng mga paa ko nahalata ata ni gabby
Then he mouthed "don't mind them I'm here". With that naka kuha ako ng lakas ng loob at humakbang ng magka hawak ang mga kamay namin.

Dumaan kami sa harapan nila dj pero parang wala lang syang nakita, ang sakit mga bes parang sinasaksak ako ng paulit ulit. I tried not to cry pero malas tumulo parin, mas mahirap kaya mag pigil ng luha kesa mag pigil ng utot haha! Nakuha ko pa mag biro galing mo talaga kc.

Nang makarating kami sa table ng barkada pina upo nila agad kami. "san kayo galing? Ang tagal nyo ah". Sita samin ni tom, ok na sila kay gabby as in super ok na parang sya na nga pumalit sa pwesto ni dj dahil bigla na nga lang nag bago saming lahat si dj sa di namin alam na kadahilanan.

EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon