Chapter 37

32 1 0
                                    

Dj's POV

"doc tawagin ko na po yung next patient?." taanong sakin ng nurse.

"yes please!." paki usap ko sa nurse habang nag susulat, kasulukayan akong nasa opisina ng ospital para sa mga out patients. Bago lumabas ang nurse para tawagin ang susunod kong pasyente ay iniabot nya ang Medical Records Info o ang MRI nito.

Bubuklatin ko na sana ang MRI upang tignan ang ipakukunsulta ng pasyente nang biglang bumukas ang pinto, iniluwa nito ang isang napaka gandang babae na naka pag pahinto ng mundo ko. May kasama siyang batang lalaki na nasa edad na apat na taong gulang sa tantsa ko, cute na cute ito sa suot na batman shirt and shorts. Nang mag angat ng tingin ang babae ay natigilan siya ng magtama ang paningin namin, pero agad ding ngumiti.

"kc...." mahinang usal ko.

Tumayo ako para salubungin sya nang biglang pumasok ang isang lalaki, si jam.....
at humalik sa pisngi ni kc.

"Daddy!" Masayang yakap ng batang lalaki dito. "i thought you couldn't make it po." parang matandang anas nito. Tumawa naman sya sa bata at hinalikan ito sa pisngi sabay baling kay kc na naka ngiting pinag mamasdan sila, parang may kumurot sa puso ko ng pag masdan sila na isang Masayang pamilya.

Nag angat ng tingin si jam sakin at ngumiti. "kamusta bro! Masayang bati nito sakin, ngumiti ako kahit parang may nag babara sa lalamunan ko. Tsaka tuluyang lumapit sakanila, naki pag manly hug ako kay jam tsaka ako lumapit kay kc at naki pag beso.

"im good, eh kayo? Kamusta?? Kayo din pala talaga ang nagka tuluyan." halos pumiyok kong usal.

Ngumiti ng matamis si jam "well bro me and...

"dad are we going to visit ninong greg po? Putol ng bata sa sasabihin ni jam. Ngumiti ito at tumango, kumislap naman ang mata ng bata sa tuwa tsaka pumalakpak.

"sorry bro for interrupt." hinging pasensya ni jam.

"it's okay bro."sagot ko sakanya

"diba sabi ko sayo wag kang sasabat pag may nag uusap na mas older sayo?" momni will get mad to you." lingon nya kay kc habang kausap ang anak.

"sorry po daddy and sorry too momni." hinging pasensya nito

"come-on say hi to tito dj." utos ni jam sa anak.

Tumingin sakin ang bata at ngumiti ng halos di na makita ang mata, kay kc nag mana ito ng pagka friendly dahil kung ako ang tatanungin malabong kay jam sapagkat suplado ito sa mga taong di nya ka close. "hi tito doc dj" bibong kaway nito sakin kaya napa ngiti ako. "sorry po for what i did earlier. "

"hi baby boy! It's okay,
What's your name anyway?. " tanong ko dito.
Mabilis kong pinag aralan ang itsura nito. Maputi ang makikinis nitong balat na may mapipino't maikling balahibo, itim na itim ang maninipis na hibla ng buhok nito na makintab, may makakapal at mahabang pilik mata na binagayan ng itim na itim nitong mata animo'y naka contact lens na doll eye, makapal din ang buhok nito sa kilay na sa tingin ko ay namana nitong lahat kay jam. Matangos ang manipis nitong ilong at mapula ang labing manipis, na mukhang minana nito kay kc. Napaka gwapong bata dahil sa maganda at gwapong nitong mga magulang.

"my name is Kristjam Gabianne. It pronounce po like this gabyeyn." mabilis na tugon nito na lalong naka pagpa ngiti sakin ng malaki. Napaka talinong bata na namana malamang sa magulang nitong sina kc at jam.

Inalok ko sakanila ang silyang nasa harap ng mesa ko tsaka ako umupo.

"so si krist ang mag papa check up right? Basa ko sa MRI nito. "3 days ka nang inuubo. Can i?." tumango si krist at lumapit ako dito upang pakinggan ang likod nito na kalong kalong ni kc.

Nag dikit ang balat namin ni kc, naramdaman ko ang pamilyar na kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan. Mabilis kong tinapos ang ginagawa ko tsaka ako bumalik sa upuan ko matapos pakinggan ang likod at dibdib ni krist. "well krist it's just a mild cough so you better take this medicine orally ok?." abot ko sa reseta ng gamot.

"i told you daddy this is just a mild cough, i already knew po because i can feel it, momni was being paranoid." naka nguso na nitong sabi sa daddy nya, tumawa naman si jam at tinignan si kc.

"We're just being paranoid because all of us love's you sooooo much, so you better take care of yourself ok?." magka dikit ang kanilang noo tsaka kinurot ni kc ang ilong ng bata. Tumawa naman ang bata ng kilitiin ito ni kc. Tuwang tuwa ako habang pinag mamasdan silang dalawang nag kikilitian.

"stop it momni im tickling! Pigil nito kay kc.

"ok! Ok! That's enough, we're going to ninong Greg's resto!." masayang sabi ni jam sa dalawa na lalong kinatuwa ng bata.

Nang tumayo si kc ay napa tayo din ako para sana alalayan sya pero agad namang kinuha ni jam ang kamay nito at inalalayan sya. Parang may sumuntok sa dibdib ko ng makita silang magka hawak ang kamay at naka ngiti sa isa't isa ng sandaling iyon. Binawi ko agad ang paningin sakanila.

"so pano bro? Alis na kami, Thursday ngayon so pag Thursday it's Barkada's day, may restaurant na nga pala sila greg at paula. Naka pag tapos sila ng culinary arts tsaka nag patayo ng resto bago sila ikasal. Dun kami every Thursday sa resto nila dapat by 7:30pm nandun na lahat, sila din ang nagka tuluyan.
Kaka kasal lang nila last month sayang di ka umabot. Sana maka punta ka namimiss ka na ng barkada. Tsaka para maka pag kwentuhan naman tayo, balitaan mo kami kung anong nangyari sayo.
Eto nga pala yung address, tsaka ano nga palang number mo? Naka ngiting tanong nya sakin, nag palitan kami ng number. Napansin kong naging palangiti na ngayon si jam hindi tulad dati na lagi itong seryoso, ngumingiti lang pag kasama si kc. Sabagay kahit ako ang maka pangasawa ng tulad ni kc baka lagi din akong naka ngiti kasehodang mag mukha akong tanga kaka ngiti. "Sige bro alis na kami. " naki pag manly hug ulit ako sakanya tsaka tumingin kay kc, ngumiti naman ito saakin tsaka naki pag beso.

"ingat kayo." anas ko

"salamat." naka ngiting sagot sakin ni kc.

Inalalayan sya sa siko ni jam at tuluyang lumabas ng pinto.
Tulala akong naka tingin sa address na inabot ni jam sakin. Pupunta ba ko? Wala sa sariling anas ko. Marahas akong napa buntong hininga tsaka ko inalis ang salamin ko sa mata. Akala ko naka move on na ko sayo, akala ko magiging ok lang ako kung sakaling magkita tayo ulit pero nagka mali ako. Mahal parin kita kc.... Mahinang usal ko. Bumalik sa isip ko ang magandang itsura nya, mas lalo syang gumanda ngayon. Naka floral light blue fitted V-neck dress sya na may half slit sa magkabilang gilid, kinulot ang mahaba niyang buhok na kulay ash blonde na lalong nag bigay sakanya ng maputing complexion at mas naging ka'akit-akit tignan.
Fair complexion, makinis na porselanang balat, mas nagka laman kaya lalong gumanda ang hubog ng kanyang katawan, makikinang na mata, manipis at matangos na ilong, light makeup na dating di naman nya ginagawa ay mas bumagay din sakanya and those sexy red lips kahit walang lipstick na dating naging akin. Napa pikit ako sa naisip ko, mukhang hiyang na hiyang sa pag aalaga ni jam...dahil sa isiping yun nanlumo nanaman ako.

Tumingin ako sa relos ko 6:30pm na pala, tumingin ako ulit sa address ng resto nila greg at nag pasyang pumunta.

It's now or never.....

To be continued..... 💋💋💋💋

EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon