Chapter 17

97 5 2
                                    

Lumipas ang mga araw at naging masaya naman kami ni dj.

At mas lalo kong naramdaman na hulog na talaga ko sakanya, hindi ko lang sure kung parehas kami ng nararadaman ayoko man mag assume pero sa kilos nya at pinararamdam nya sakin parang parehas lang kami ng nararamdaman.

Kc!
Lumingon ako sa tumawag sakin.

Hi there!
Bati ko kay sancho, tagal nanamin di nakakapag usap ng mokong na to eh.

Hello! Kamusta?? Bakit mag isa ka ata asan mga kaibigan at yung si dj?

Ayun oh mga nang gugulo dun sa harap.
Turo ko sa mga kaibigan ko at kay dj na kasalukuyang umoorder ng pagkain namin.

Ah kala ko mag isa ka, sige alis na ko.
Paalam nya tsaka tumayo, pinigilan ko naman sya at hinawakan ang kamay nya.

Teka teka! San ka pupunta?? Dito ka nalang join us, para ka namang iba.
Ngiti ko sakanya

Ehem!!!
Lumingon ako sa likod ko nakita ko si dj na naka tayo at pinag mamasdan ang kamay namin ni sancho na magkahawak.

Ah sige kc may kukunin pa ko sa library bye.
At tuluyan ng umalis si sancho.

Anyare dun bakit parang umiiwas?
Tanong ni arriane na kararating lang kasama ang barkada.

Naku ewan ko ba dun feeling ko naiilang sya kay dj.
Singit naman ni sarai.

May ginawa ka ba sakanya babe?
Tanong ko kay dj na naka simangot

Ako?? Turo nya sa sarili nya
Wala ah. Tsaka tama lang na umiwas sya alam naman nyang may boyfriend kana noh!! Ikaw naman may pa pigil pigil at pahawak hawak ka pa ng kamay sakanya!
Singahal nya sakin.

Hayuy!!! Possessive boyfriend ever!
Irap ni paula kay dj.

Hoy ms. bitterness sa katawan at utak na iinggit ka lang kasi walang possessive na lalaki sayo!
Asar naman ni greg sakanya

Kausap ka ?? Manahimik ka jan kung ayaw mong palunok ko sayo yang dila mo!
Matapang na sabi ni paula kay greg.
Natawa naman kami sa pag irap ni greg kay paula.

EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon