Chapter 7

115 3 0
                                    

Kc's POV

Bzzzzzzzzzzt !

Napamulat agad ako ng mata ng tumunog ang alarm clock ko.

Nag inat ako tsaka ginawa ang morning rituals ko.
Bumangon na ko para maligo, toothbrush, bihis, ayos tapos bumaba na ko para mag breakfast.

Maya maya may bumusina sa may gate, baka si dj na yun.
Pero 5:30 am palang ah excited??

Usapan kaya namin 6am.

Mam kc yung sundo nyo daw po pinapasok ko na.
Sabi ni yaya nena.

Good morning!
Bati nya sakin, wow! Looking fresh!
Haha! Aga lumandi ng cells ko 5:30 palang ng umaga uy!

Ah good morning too lika breakfast tayo.
Aya ko sakanya, hinila ko sya para sabayan ako kumain. Alam ko di pa to kumain di kasi mahilig mag kakain to lalo na pag walang nag aasikaso sakanya, payat tuloy.

I personally assisted him with his plate, spoon and fork, tapos pinag timpla ko din sya ng gatas.

Naka tingin lang sya sakin habang naka ngiti. What's with him??

Uhmm? Anong ngiting tingin yan?
Tanong ko sakanya habang nilagay yung gatas sa harap nya.
Sinandukan ko na din sya ng kanin tsaka chicken curry.

Ganyan ka ba talaga kaalaga?
Ngingiti ngiti nyang tanong sakin.

Oo naman ! sa mga bisita namin, lalo na sa mga kaibigan ko.
Sagot ko sakanya tsaka umupo na ulit ako sa upuan ko tsaka kumain ulit.

At lalo na siguro sa boyfriend mo.
Nagulat ako sa sinabi nya kaya medyo nasamid ako, inabutan naman nya ko agad ng tubig.

Haha! Ikaw talaga, wala pa kong nagiging boyfriend noh! Aral, sport, friends, bahay lang ako.
Wala pa kasi sa isip ko yan.
Mahabang paliwanag ko tsaka sumubo ulit ng chicken.

Ah!! Pasensya na kung matanong ako.
Sabi nya tapos kumain na din.

Eh ikaw?? Malamang dami na.
Tanong ko sakanya.

The Truth is wala pa talaga.
Pure flirt talk lang, ayoko kasi magka girlfriend. Ayokong matulad sa kuya ko, na niloko ng girlfriend nya after nya ibigay ang lahat in the end nagpa kamatay nalang dahil sa sobrang sakit.
Lahat ng babae pareparehas lang yan mga manloloko.
Ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya hanggang ngayon, kitang kita sa mata nya habang nag kikwento sya.
Simula nun nawala na lahat ng tiwala ko sa babae, di kasi nila alam tinanggalan nila ako ng isang kapatid, tatay, at Best friend.
Pero matagal na yun that was 2 years ago.
Sabi nya tsaka ngumiti.

EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon