Chapter 30 Past

97 3 0
                                    

Kc's POV

Maaga akong nagising para makapag handa na sa school mag kikita kita kasi kami nila Arriane sa gym para makapag usap usap tungkol sa gumugulo sa isip ko about jam.

Tamang tama naman kasi may practice sila dj ng basketball. Kasama na din si jam bilang basketball player.

Nang paalis na ko kinuha ko ang usb ko sa ibabaw ng mesa pero biglang nahulog, tsk! Hassle naman kung kelan nag mamadali.

Lumuhod ako para maabot sa ilalim ng cabinet yung usb ko tsaka ko sumilip kung nasan banda.

Ayun! Kinuha ko agad yun. Nang makuha ko na may napansin akong kwintas na may palawit na puso, kinuha ko din yun at nilagay sa bulsa ko.

Mamaya ko nalang titignan sa sasakyan.

"Manang sa school nalang po ako kakain ha?" Paalam ko kay manang tsaka ko lumabas na ng bahay at inaya na ang driver namin para maka alis na kami, bigla ko naman naalala yung kwintas.

Kinuha ko yun sa bulsa ko at pinag masdan, teka eto yung necklace ko na bigay sakin nung kababata namin nila Arriane ah.

Na excite naman ako bigla at binuksan agad ang locket.

Pinag masdan ko yung picture na nasa loob nun.

Na pangiti ako kaming lima to nila arriane kasama si gabby, kababata din namin na naiwan sa ibang bansa. Naka suot kami ng toga, graduate kami nito ng grade school.

Dun kasi kami nila arriane halos lumaki sa Australia nalipat lang kami nung nagsi pag graduate na kami ng grade school at dito na nag highschool sa pilipinas, kaya naiwan si gabby dun sa Australia.

Simula nun nawalan na kami ng balita sakanya.

Tinignan ko ulit ang picture, nasan ka na kaya ?? Kamusta kana kaya gabby?? May naisip ako papakita ko to kila Arriane. Lahat kami meron nito bigay ni gabby simbulo daw to ng pag kakaibigan namin.

Nasan na kaya yung mga kwintas nila Arriane?? Di na kasi pinasuot sakin nila Arriane ang kwintas simula nung umalis kami dun, ako kasi ang iyak ng iyak nung nandito na kami sa pilipinas. Na mimiss ko kasi si gabby, samin kasing lima kami ang pinaka close.

Kaya para makalimutan ko daw agad si gabby di na pinasuot pa muli sakin nila Arriane ang kwintas pati ang mga kwintas nila para di ko na sya maalala pa.

"Mam kc nandito na po tayo".
Pag putol ni manong sa pag iisip ko.

"Ah sige manong salamat po, text nalang po kita kung mag papa sundo ako sayo".
Bumaba na ko ng kotse at dumiretso kung asan ang mga kaibigan ko.

Nang matanaw nila ko kumaway sila sakin, nilapitan ko sila at ginawa ang rituals namin.

"So labs what about jam?
Tanong agad ni sarai, i looked at them one by one. They look so serious waiting for what i want to tell.

Then i started to tell them they all shocked, well even me.

"So di lang pala ako ang nakaka pansin ng pagkaka parehas nyo." Sabi ni paula

EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon