Chapter 40 - Bellwether

35 3 1
                                    

WARNING ⚠

THIS PART IS CONTAINS PUNCTILIOUS SCENE. KUNG IKAW AY PA VIRGIN PAKIUSAP LUMAYAS KA SA PARTENG ITO. READ AT YOUR OWN RISK!

⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠

DJ's POV

Mabilis na dumaan ang araw at sumapit ang huwebes maaga akong gumayak para sa barkada's day, dumaan ako saglit sa pastry shop at bumili ng sweets para sa dessert.

Pagka kuha ko ng order ko ay mabilis akong nag tungo sa restaurant nila greg. Mukhang napaaga ako dahil kami palang tatlo nila greg at paula ang nasa restaurant, tumulong ako sa pag hahanda ng makakain namin.

Hindi nag tagal ay nagsi datingan na din sila ng sabay sabay. Sinalubong namin ang bawat isa ng masayang yakap at halik sa pisngi, it's nice to be back. Napa ngiti ako sa naisip ko.

Sabay sabay kaming dumulog sa mesa at masayang nag kwentuhan. Nai discuss ko na din sakanila ang proposal ko para sa itatayo kong hospital.

So ano payag ba kayo? Tanong ko kila kc, arianne at jam. Isa lang kila arianne at jam ang kukuha sa proposal project ko kung sino lang sakanila ang bakante.

Sige ako nalang. Masayang pag sambit ni jam. Puno ka na diba? Baling nito kay arianne, tumango naman ito ng naka ngiti tsaka nag punas ng bibig.

So it's a deal then! Masayang pahayag ko tsaka nakipag kamayan sakanila.

Masaya naming tinapos ang pagkain. Tawanan, kwentuhan at asaran ang nangyari habang umiinom kami.

Nakita kong wala nang laman ang baso ni kc kaya nilagyan ko ng Hennessy ang shot glass nya. Ngumiti siya saakin tsaka tumango bago naki pag kulitan muli kay greg.

Sa pag lipas ng panahon mas lalo lang gumanda si kc.

Hiyang siya sa kanyang asawang si jam. Kung ipinag laban ko sya noon ako sana ang nasa posisyon ni jam ngayon.

Ipinilig ko ang aking ulo para mawala ang nasa isip ko. Hindi ko maaaring sirain ang barkada naming na buo nanamang muli.

Nang malingunan ko si greg ay naka ngisi siya saakin at umiling.

Yumuko nalang ako at nilaghok ang natitirang Jim Beam saaking shot glass.

Nakita kaya ni greg ang paninitig ko kay kc? Ano kayang nasa isip ng mokong na si greg.

Nang lumalim na ang gabi at napa sarap ang inuman namin ay napag pasyahan nila greg at paula na dito na lamang kami matulog.

Sa itaas nitong restaurant nila ay may mga kwartong pwedeng tulugan.

Mauuna na kong umakyat. Isasama ko na si kristjam ha? Ani jam tsaka kinarga ang natutulog niyang anak.

Tumingin si kc sakanila na halos di na maimulat ang mata. Pulang pula narin ang kanyang mukha dahil sa tama ng alak.

Ganun din ang iba naming kaibigan, isa isa silang nagsi akyatan hanggang sa apat na lamang kaming natira sa mesa.

Ang mag asawang greg at paula ay lasing narin na panay ang asar kay kc.

Naku kshi! Lashing ka nanaman hik... Ani greg

Hinji ako lashing! Hik.. Yang ashawa mong shi paula ang lashing! Tumatawang sagot ni kc.

Kailan ko ba nakita ang huling pag lalashing mo?? Tanong ni greg habang tinuturo turo pa si kc. Hinawakan nito ang kanyang noo na tila may inaalala tsaka uli tumawa. Antagal na nun di ko na maalala hahaha!

EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon