Chapter 2

130 8 0
                                    

Dj's POV

Lumipas ang mga araw di ko pa na uumpisahan ang pagpapa hirap sa megaphone na babae na yun.

Busy kasi sya sa mga practices pati ako. Swerte nya pero gagawa parin ako ng paraan para mapahirapan sya.

Di pwede na lagi nalang syang nakaka lamang.

Tol ano balita? Suko ka na kay idol? Haha!
Asar sakin ni greg, nagtawanan naman sila.

Mga unggoy! Hindi noh! Busy lang ako pati sya kaya di ko mautusan kaya swerte nya.
Pero di pa ko tapos sakanya.
Sagot ko sakanila.

Osya tara na history na pasok na tayo.
Aya ni mark samin tsaka kami dumiretcho na sa room.

Pag pasok namin nakita kong nakikipag harutan yung slave ko dun sa bagong classmate namin kay Sancho ba yun.

Psh! Ingay! Tawa ng tawa kala mo ganda eh noh. Ito namang sancho na to pa hawak hawak pa kay megaphone tss! Feeling close.

Napapansin ko laging kasama yan ni idol noh?
Sabi ni tom

Oo nga eh mukhang close na sila.
Sabi kasi sakin ni arriane mabait daw yang si sancho, kaya kasundo ni kc. Mga ganyang tipo daw gusto ni kc. Mahabang kwento ni mark.

Hala ka tol inuunahan ka na ni sancho kay idol. Anong gusto mo banatan nanatin?
Siko sakin ni greg.

Tss! Pwede ba kayong mga kolokoy kayo tigilan nyo na ko jan kay kc di ko nga sabi gusto yan.
Tsaka wala sa bokabularyo ko ang magka girlfriend.
Kahit nga flirt talk lang ako di ko papatusin yan. Sus! Napaka ingay lakas lakas ng bunganga kala mo naka lunok ng microphone at dalawang speaker.
Mahabang sabi ko sakanila.

Sus! Ikaw talaga! Mamaya tulak ng bibig kabig ng dibdib ka naman jan.
Asar sakin ni tom, napailing nalang ako.
Mayamaya dumating na si ms. G
Teka medyo late na sya ngayon ah.

EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon